APRUBADO RAW kay Aiko Melendez ang posibilidad na pasukin ng kanyang guwapong eldest son na si Andre ang showbiz. Tsika nga nito, habang nagpapaayos sa Headway Vera Salon sa Tomas Morato Ave., Quezon City, kasama ang owner nito na si Mr. Mikhail Hirang.
“My son siguro in two years time, my daughter, not sure… kasi sa school bawal. Poveda kasi siya pumapasok, so bawal talaga. So, I’m seeing my son joining showbiz in two years time.”
Dagdag pa ni Aiko, kinakausap daw siya ni Andre na gusto nitong pasukin ang showbiz. Aniya, “Oo gusto niya, kasi ang gusto niya [maging] artista at race car driver katulad ng daddy niya [Jomari Yllana].
“Pero nu’ng one time nga nu’ng vacation, sinubukan naming isalang-salang siya sa TV, kaya lang ‘yung grades niya nag-suffer kaya naman I have to teach him a lesson at sinabi ko sa kanya na after two years siya mag-aartista.”
Gusto rin daw ni Aiko na makasama sa isang proyekto ang kanyang anak.
“Oh, yeah! Definitely my dream project. I would want to work with my son. Baka ako pa ang mag-produce nu’n! Hahaha! Right now, may acting workshops na siya with Peter Serrano and ‘pag malapit na, I’m getting Direk Laurice Guillen para mag-workshop sa kanya.”
Kung si Andre ay mukha talagang pursigido sa desisyon nitong mag-artista, ang kanyang bunsong anak naman daw na si Martina ay parang walang intensyong sumabak sa pag-arte.
Kuwento pa ni Aiko, “No, e. Pero siya ‘yung kamukhang-kamukha ko, when you see her. I think ‘yung politician side ko ‘yung namana niya. Kasi mahilig siyang makipag-usap sa ibang tao. Hindi siya napapagod with asking questions, ‘yun ‘yung side ko na nakuha niya.”
WALA NA talagang makapipigil pa sa unti-unting pag-arangkada ng career ng tinatayang isa sa pinakasikat na boyband sa bansa, ang UPGRADE, na kinabibilangan nina KCEE Martinez, Raymond Tay, Rhem Enjavi, Ron Galang, Armond Bernas, Mark Baracael, at Miggy San Pablo.
After ngang mag-sign ng mga ito bilang ambassador ng MyPhone through Sir Richie Dequina, kinuha na rin sila para maging endorsers ng celebrity salon na Headway Vera Salon ni Mr. Mikhail Hirang.
Kaya naman sobrang saya ng grupo dahil nadagdagan na naman ang kanilang endorsements mula sa UniSilvertime, Cardams, Royqueen Gadgets, Pen Entertainment Productions, Mogu Mogu Manila, MyPhone, at Headway Vera Salon.
Kahapon, Aug. 3, napanood ang UPGRADE sa Harbor Point sa Subic kasama si Kito para sa launching ng Goldrising 3’s 56 Books with 30 Authors na hatid ng Viva Psicom. Habang ang individual members naman ay may kanya-kanyang projects like si Kcee na magiging host ng online singing contest na Sing For Your Dreams at si Miggy naman ay kasama sa Viva movie na Talkback And Your Dead, at si Mark naman ay mag bagong TV commercial.
John’s Point
by John Fontanilla