Iba talaga ang sipag ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño. Basta gusto nila at pinaniniwalaan, gorabelles lang sila at talagang ibibigay nila ang kanilang 100% na suporta.
Kung maaalala n’yo pa, sa kainitan ng usaping Kidapawan massacre, silang mag-asawa ang nangunang kumilos para makatulong sa mga magsasaka na naging biktima ng karahasan, dahil lang sa bigas at tulong na hinihiling nila sa kanilang inihalal na “gobyerno”.
Aktibo sina Liza at Aiza Seguerra sa mga pakilos. Kung naging focus ng media at nasa spotlight ang dalawa noong Kidapawan massacre ay dahil sila ang visible. Sila ang sumusugod sa area kung saan nandu’n ang kaguluhan at isyu.
Sa katunayan, naisulat na rin natin dito sa kolum natin ang panangalap ng pondo ng mag-asawa para mapalaya pansamantala ang mga magsasaka. Humingi sila ng tulong sa kapwa nila artista, musikero, at celebrities na sa pagsusumikap nila ay napunan sa tulong mga mga kaibigan ang pangangailangan para sa halagang pang-bail.
Ngayon na nalalapit na ang eleksyon, ang kulay ng dalawa ay hindi maitatago. Openly ay iisa lang ang kulay nila. Kulay “Digong” sina Liza Diño at Aiza. As far as Cagayan Valley, naabot nila para mangampanya sa pinaniniwalaan nila at ‘yun ay gratis o free of charge. Walang talent fees.
All out Duterte ang mag-asawa na sa kanilang kakayahan at pamamaraan ay tumutulong sila sa kampanya ng kanilang pinaniniwalaang tao na puwedeng magpabago sa kalagayan ng ating bansa. Walang tag price ang kanilang pagiging Duterte supporters at endorsers. Ganu;n nama talaga kung pinaniniwalaan mo ang tao.
Kaya bukas, Friday, may 6, sa K-Pub sa Trinoma ay may pakulo sina Liza at Aiza sa isang show na LGBT and Artists Unite for Duterte na inorganisa ng mag-asawa.
Panawagan ni Liza, “Calling all ARTISTS – TV, Film and theater actors, directors, cinematographers, lighting designers, technical directors, choreographers, production people, singers, musicians, music producers, arrangers, song writers, photographers, painters, sculptors, poets, writers, playwrights, novelists, models, dancers, etc (you get the picture) and of course, our dear Members of the LGBT community; I invite you all to “come out” and show our support for CHANGE.”
Nag-confirm para mag-perform at magbigay ng kani-kanilang mga suporta bukod kina Aiza at Liza ay sina Biboy Ramirez, Bernardo Bernardo, Vivian Velez, Isay Alvarez, Robert Sena, Camay Tolentino, John Paul Laxamana (filmmaker), at Jay Abello (filmmaker). Sa hanay ng mga stage performers at talents ay darating din sina George De Jesus (theater director), Peter Serrano (actor), Ricky Ibe (actor), Karla Gutierrez (actor), Jethro Joaquin (sound designer), at Voltaire de Jesus (lighting designer).
Ang mga singer na sina Thor Dulay, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Paolo Santos, Gail Blanco, Njel de Mesa, at Marvin Querido (musical director), Danny Tan (composer), Karla Gutierrez (artistic director), Bruce V. Rivera, at Kontrabida Gay.
Ang event bukas ay suportado rin ng LGBT community tulad nina Dindi Tan (Assoc. of Transgender Philippines), Nil Nodalo (Transman Pilipinas), Faustibe Sabarez III (QC Pride Council), Emel Pascua (Bi Discreet LGBT), Jayson Masaganda and Emel Pascua (MCC Marikina). Kitakitz tayo.
Reyted K
By RK VillaCorta