First exposure nina Liza Diño-Esguerra at mister niyang si Aiza Seguerra sa mga national issues at mga kilos-protesta ang nangyari sa Lumads noong 2015.
Pinatay ang tatay ng Lumad na si Michella Campos sa kanilang lupain sa Mindanao na humingi ng tulong ang dalaga hanggang sa umabot na sa iba’t ibang issues na kaagapay ang mag-asawa tulad sa Kidapawan Massacre, ang pagtulong sa pangangalap ng mga bigas ng dalawa mula sa mga kaibigan nila from in and out of showbiz para maitulong sa mga biktima na nagugutom, hanggang sa pangangalap ng funds para sa bail ng mga ikinulong, at sa nakaraang eleksyon na ang kulay Digong Duterte nila ang siyang ibinabandera nila at inilalaban sa kabila ng pamimintas ng ibang tao sa mag-asawa.
Active campaigner sila for “Change” na programa ni President Rody Duterte. Aktibo sila sa kampanya na ipanalo si President Digong.
Kaya nga nang magwagi si PDidong, marami ang nagtatanong sa akin kung ano ang magiging posisyon or puwesto ng dalawa sa bagong administrasyon.
Actually si Liza Diño, regular ka-FB ko ‘yan at si Aiza Seguerra naman, paminsan-minsan. Pero si misis ang unang nagbalita sa amin ng pagiging official presidential appointee ni Aiza as Chairperson ng National Youth Commission (NYC), na nang mga sandaling ‘yun ay may isang malaking pagtitipon sa Sky Dome para sa International Youth Day Celebration.
Si Liza, wala pang appointment nu’n, until halos magkasabay yata ang paglabas ng mga balita the following day ng official appointment ng singer as chairperson ng NYC at si Liza naman as chairperson ng Film Development Council of Philippines (FDCP) na akma lang sa estado ni Liza bilang isang artista ng industriya.
Si Aiza, sakto rin ang role niya sa naturang sangay ng gobyerno para maalagaan at maprotektahan ang interest at kapakanan ng mga kabataan.
Ang maganda sa dalawa, nagri-reach out sila sa publiko gamit ang social media accounts nila. Mas makabago. May meetings na sina Aiza at Liza sa mga sektor na concern.
Nangangalap sina Aiza at Liza ng mga suggestions at ideas mula sa mga publiko at sa mga taong makilahok sa pagbubuo ng malinaw na istruktura para sa polisiya at proyekto nila para mas lalong mapakinabangan ng nakararami ang dalawang sangay bilang panimula ng “pagbabago” sa administrasyon ni PDigong.
Noong Lunes (August 15), nagkaroon ng oath-taking sina Aiza at Liza bilang new appointees ni President Duterte para sa NYC at FDCP respectively na ginanap sa Malacañang.
Good luck at mabuhay kayong dalawa na alam kong tunay na maglilingkod.
Reyted K
By RK VillaCorta