Aminado ako na hindi ako maka-President-elect Digong Duterte o maka-Mar Roxas o kampi sa kampo ni Vice President Binay.
Ang mahalaga sa akin, kung ano ang totoo, kung alin ang mas kapaki-pakinabang sa nakararami at para sa pangkalahatan ay doon ako. Ito ang sinusuportahan ko.
Kaya nga natutuwa ako sa matitinong supporters niya na handang tumulong sa planong pagbabago ng bagong presidente ng Pilipinas.
Hindi maiiwasan na sa kabila ng pagkapanalo niya, marami pa rin ang nagsa-sour graping. Ang daming angal. Ang daming nagmamarunong na hindi makapaghintay na makapagsimula si Digong sa kung ano man ang plano niya sa mga Pilipino at sa ating bansa.
Ang paniwala ko kasi, bakit hindi natin pagbigyan na mapatunayan ni President Digong ang mga gagawin niya at planong pagbabago para sa pangkalahatan?
Kaya nga nakatutuwang isipin na may magandang plano si Presidente Duterte para sa sining at kultura na ngayon ay pinaplano ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño. Sa kanila nagtanong si President Digong kung ano ang p’wede nilang gawin sa pamunuan niya.
Sabi nga ni Aiza Seguerra sa kanyang social media account: “No regime has ever devoted “DUE” attention towards Arts and Culture at nakalulungkot isiping dahil dito ay unti-unting naglalaho ang ating pagiging Pilipino. Hindi nakita ng mga nakaraang gobyerno ang kahalagahan ng pagbuhay sa kultura kasabay ng pagbuhay sa ating mga sikmura and how these things go hand in hand.
“They have become so consumed by the basic needs for survival na hindi nila naisip na ang pag-unlad ng tao at bansa ay hindi nakasalalay lamang sa kung ano ang kinakain ng tiyan, kasama rin nito ang paghubog sa ating kaalaman at pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan (identity).”
Papapatuloy ni Aiza: “Ano ang Pilipino para sa’yo? Sino tayo? Malimit ay napakababaw na ng ating pananaw tungkol sa ating mga sarili bilang Pilipino. And it manifests in the most fundamental situations— Bakit wala tayong pakialam sa mga katutubong Lumad? Bakit hindi natin naintindihan ang pinaglalaban nila? Bakit sila nananatiling marginalized? Bakit imbis na ipreserve natin ang mga historical buildings, ginigiba natin at tinatayuan ng bago?
“Sa Arts, bakit hindi natin tinatangkilik ang mga “indie films” na masasabi nating hitik na hitik sa mga kwento ng buhay Pilipino. Bakit novelty na lang ang kundiman songs ngayon at tourist attraction na lang ang ating mga katutubong sayaw? Ilan lamang ito sa nakapanlulumong realidad na hinaharap ng naglalahong Sining at Kultura sa ating bansa.
“This has to be addressed. There has to be a way for us to bring the arts and culture again to the grass roots level. As we all move forward towards change, we should also learn how to think beyond ourselves and reshape this society. Walang halaga ang kahit anong hakbang tungo sa kaunlaran kung mananatili itong pansarili lamang.”
Paniwala ng singer-composer-aktor: “Sa kabilang dako, kung meron mang isang likas na yaman na hindi napagtutuunan ng pansin ngunit patuloy pa ring nagdadala sa ating bansa ng karangalan at pagkakakilanlan, ito ay walang iba kungdi ang ating galing sa sining. Ang Pilipinas ay mayaman sa talento—mga talentadong Pilipino. At kung bibigyan lang ng sapat na pagpapapahalaga ay pwedeng makapagdala sa Pilipinas ng hindi lang karangalan kungdi pagkukunang yaman.
“The government doesn’t realize the amazing potential of creating a huge industry from our Arts and Culture sector. By honing these talents and seeing them as assets, we can efficiently gear this industry as a “creative economy” that can aid in economic development.”
Pagmamalaki pa ni Aiza sa bagong presidente ng bansa: “That’s why I am proud to have a president who sees Arts and Culture as a strong force. When he reached out to us and said “Tulungan nyo ko sa arts and culture. Sabay-sabay tayo at umupo, para mapag-usapan natin kung ano ang pwede nating gawin. Alam nyo naman mahal ko ang Pilipinas. Mahal ko ang mga Pilipino” —hindi namin ito nakita bilang isang pansariling oportunidad. We saw it as an OPPORTUNITY FOR OUR COUNTRY. Our president is taking a step towards CHANGE, a positive change na hindi lang para sa iilan kungdi para sa ating LAHAT. Kaya sana, imbis na mangutya at mag-isip talangka, bakit hindi tayo makiambag sa minimithi nyang pagbabago.”
Positibo si Aiza at ang kabiyak na si Liza Diño sa magiging outcome ng bagong pamunuan ni President Digong na marami ito magagawa sa mga Pilipino lalo na sa usaping arts and culture.
“Tayong lahat ay hinihimok na makibahagi sa hamong ito. Alam naman natin na ang Pangulo natin,punong-puno ng Nasyonalismo. Hindi malayong mahanap din natin ang ganitong paninindigan kung magtutulong-tulong tayo. Sama-sama nating ibalik ang ating nawawalang kultura. Ngayon ang panahon para magkaisa,” pagtatapos ni Aiza.
Hindi maiiwasan, ang mga Pinoy noon pa man ay crab mentality na ang umiiral. Angal nang angal gayong wala naman ginagawa. Reklamo nang reklamo pero hindi man lang makatulong para mapaigi at mabago ang kanilang nirereklamo at gustong baguhin.
Hopefully, simula July 1 ay simula na ng pagbabago. Let’s give President Digong a chance for change. Sina Aiza at Liza, malaki ang paniwala nila na malaki ang maitutulong ng bagong presidente hindi lang sa usaping arts and culture ng Pinoy, kundi sa kabuunan natin bilang isang Pilipino at sa bilang isang bansa.
Reyted K
By RK VillaCorta