Unang mass action pala na sinalihan ni Aiza Seguerra ang nakaraang SONA ni President Digong last Monday (may kuwento kami separately tungkol sa karanasan niya sa martsa).
Alam naman natin na very open si Aiza Seguerra sa kanyang pagsuporta kay PDigong na during the campaign, kaliwa’t kanan ang effort niya kasama ang asawa na si Liza Diño na makatulong sa kanilang maliit na kakayahan at pamamaraan para sa pagkapanalo ng kanilang presidente na in the end ay nagwagi at ‘di nasayang ang paghihirap ng dalawa. Nagbunga ang effort nila. Happy ang feeling lalo pa’t nagbunga ang sakripisyo nilang dalawa.
Kung tama ang assessment namin, nagsimula sina Aiza at Liza Diño na ma-involved sa isyung panlipunan sa usapin ng mga Lumad ng Mindanao.
Present sila nang mag-camp-out ang mga ito sa UP nang kung halos mahigit na isang buwan na nasundan pa ang involvement nila during the Kidapawan massacre na halos pabalik-balik silang dalawa sa Mindanao para ayudahan nang direkta ang mga biktima. “Bigas Hindi Bala” ang sigaw nila noon.
Sa katunayan, maganda ang exposure nina Aiza at Liza sa mga issues. Pero pansin ko, mas nalilinya ang dalawa sa isyu ng mga Lumad. Sa katunayan mamayang gabi ay dadalaw sila sa DAR gym malapit sa Visayas Ave. sa QMC dahil bukas ay babalik na ang mga lumads sa kanilang mga teritoryo sa Mindanao.
Reyted K
By RK VillaCorta