rHALOS HINDI alam ni Aiza Seguerra ang kanyang sasabihin sa kanyang acceptance speech nang manalong Best Female Recording Artist sa katatapos na 4th PMPC Star Awards For Music. Kasama niyang nominado sa nasabing kategorya sina Angeline Quinto, Iveron Violan, Jaya, Juris, Lea Salonga, at Yeng Constantino.
“I’m very happy,” aniya nang makausap namin matapos ang awards night. “Ang sarap ng feeling. Magpapa-burger nga ako, eh!” nangiting biro pa niya. “Kasi, siyempre ‘yong ma-recognize ka ng mga kasama mo sa trabaho and of course the press is a big thing.”
Magandang regalo raw ito para sa 25th anniversary niya sa showbiz. At nais daw niya itong i-dedicate sa lahat ng naging parte ng career niya. “Also to my family. At sa mga kasamahan ko sa trabaho. Para naman sa akin, hindi magiging effective ang isang singer kung ‘yong mga musicians na kasama niya ay hindi effective.
“So, I’d really want to share this to my bandmates. Sa mga arrangers ko and my producers. Kasi talagang… if it wasn’t for them, wala ‘to, eh. I’m really happy na na-recognize.
“I always strive to do my very best in everything that I do. So, kumbaga, this is just an affirmation… one of the many affirmations na… oops, okey nga ang ginawa ko.”
Nangiti si Aiza nang matanong what keeps her inspired nowadays. “Naghihintay kayo ng sagot sa lovelife, ‘no?” natawang biro pa niya. “Wala kayong makukuha tungkol diyan. Kumbaga… my work inspires me. I love my work so much.
“I love to sing. And I love to act at the same time. I enjoy singing to people. So… ‘yon! Iyon pa lang, inspirasyon na sa akin.”
Ganyan?
SI KARYLLE ang tumanggap ng award ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla bilang isa sa top icons ng local music industry sa recently concluded 4th PMPC Star Awards For Music. Siyempre pa, siya ang kinukumusta ng media tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina matapos itong makabalik sa Pilipinas kamakailan mula Amerika kung saan sumailalim ito sa kidney operation.
“She can’t make it right now. Kasi she’s still recovering,” sabi ni Karylle. “Pero she’s very strong. And she’s really looking forward to walking.
“Sinasabi ko nga sa kanya, ‘ano, punta tayong Tagaytay o Laguna, maglakad-lakad tayo?’. Pero isi-set pa namin ‘yon kung kailan.”
Magaganda naman ang mga lumalabas na tweets ni Zsa Zsa pati na ‘yong sa Instagram like… stay positive, be happy. “Yes,” tawa ulit ni Karylle. “I’m very proud. Uhm… gano’n na gano’n ako sa kanya. And I hope na magtuluy-tuloy ito. I know na nararamdaman niya ang pagmamahal ng lahat ng tao.
“Kahit ano… kung anuman ang pinagdaanan niya. Dahil ngayon, from here and out, good news na ito.”
May mga kakailanganin pa bang follow up check up si Zsa Zsa after her operation nga sa Amerika? “Wala na. Uhm… siyempre yearly check-ups na lang. Kasi, since it’s not cancer, hindi na kailangan ‘yong every six months.”
Pagkarating ba ni Zsa Zsa sa Pilipinas galing States, meron ba agad itong mga special requests gaya halimbawa ng kung ano ang gusto niyang kainin? “Uhm… healthy living muna ngayon. Unti-unti naman siyang mapapayagan from liquid, hanggang semi-solid food. Tapos kahit ano na, puwede. Pero siyempre, ang inaalala pa rin niya ay ‘yong pagiging very healthy niya dapat.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan