Bilib kami sa mag-asawang Aiza Seguerra at si Lizza Dino kung gaano ang pagpupursige nila tutukan ang isyu ng Kidapawan massacre.
Sa huling kuwento na naisulat namin sa kolumn namin, kung saan nangalap sila ng pondo para sa bail ng mga Kidapawan farmers na ikinulong sa kadahilanang nagpiket sila para humingi ng bigas sa kanilang pamahalaan, patuloy pa rin ang pagtutok ng dalawa sa isyu at hindi nila pinababayanan.
Last Wednesday after sa hearing ng Kidapawan Massacre na isinagawa sa Senado, nagpunta sina Aiza Seguerra at Liza para ibigay ang kanilang suporta.
Narito ang first hand report ng singer na isinulat niya sa kanyang Facebook Account: “Nagpunta kami sa Senado kanina para magbigay ng suporta sa ating mga magsasaka sa ikalawang senate hearing para sa Kidapawan clash. Nag desisyon ang senate committee na dito na gawin sa Maynila ang hearing para makarating ang mga secretaries ng DA, DSWD, DBM, DILG.
“Lumipad galing Mindanao sina Lola Valentina Berden, ang ama ng namatay na magsasaka na si Darwin Sulang at iba pang survivors ng Kidapawan clash. Nung nag roll call na, wala ni isa sa mga secretaries ng mga departamentong involved sa issue ang dumating. Lahat may excuse. Lahat may ibang MAS importanteng gagawin kesa ang mabigyan ng linaw at solusyon kung bakit hindi natugunan ang hinaing ng mga magsasakang makakuha ng bigas at ang nangyaring marahas na dispersal sa Kidapawan na ikinamatay ng 2 tao.
“Hindi na ako magpapaka-teknikal pero sa pagkakaintindi ko, may enough money ang national government at enough rice ang nfa para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka. Kung bakit hindi ito nakarating sa ating magsasaka, yun ang kailangan masagot.
“Sumunod na tinanong ang mga pulis. Nung unang hearing, sinabi nila na nagpaputok sila ng warning shots. Sa version nila ng katotohanan kanina, hindi daw sila nagpaputok dahil labag daw ito sa batas.
“Ayon sa SOCO, sa 30 na armed police na kasama sa tactical unit, 16 ang
positive sa paraffin test. Nagsagawa din ng sariling autopsy si Dr. Raquel Fortun para sa defense. Since hindi nagbigay ng permission ang family ng isang farmer for autopsy, external examination (hindi ko alam yung term) lang ang nagawa ni Dr. Fortun. Nakita niya ang penetrating gunshot wound na pumasok sa tagiliran at bumukol sa kabila.
“Kay Darwin Sulang naman, gunshot wound to the head ang kanyang ikinamatay. Sabi ng SOCO, bala ng M-16 ang tumama sa kanya pero nung nag ballistic test daw sila, hindi daw galing sa baril ng pulis ang balang tumama kay Darwin. Nang tinanong ng mga senador ang PNP kung sino ang bumaril kay Darwin, ang sagot nila ay isa daw sa mga farmers ang bumaril. (Sorry kailangan ko lang magmura. Tangna lang talaga! Wow! Ibang klase. Palakpakan!!!).
“Nag introduce sila ng witness, si Charlie Pasco, na siyang intelligence agent daw nila (ng Army ata) na nag penetrate sa ranks ng mga rallyista at kaibigan daw ng yumaong si Darwin Sulang na isa raw NPA (too bad, hindi na pwedeng mag testimonya si Darwin at i-refute ang akusasyon sa kanya. Darwin’s father denied knowing Charlie and Darwin’s involvement with the NPA). Si Charlie daw ang nakakita na may mga baril ang mga magsasaka pero nung tinanong ang PNP kung bakit hindi nila inaresto ang mga magsasakang allegedly may baril, nalaman lang daw nila ang intelligence report na ito nung tapos na ang madugong dispersal.”
Pagsasaad pa ni Aiza sa kanyang FB account: Dito ko na tatapusin ang post ko. I am disgusted by the PNP’s and Tagum’s blatant lies. I am disgusted by this government’s non-action para sa plight ng mga magsasaka natin. We have more than enough resources para maibsan ang gutom ng mga magsasaka pero anong ginawa ninyo? Kung gusto may paraan. Kung ayaw, may dahilan. At wala kayong ginawa lahat kundi magdahilan, magturuan at magsisihan,” pagwawakas ng singer sa kanyang pahayag sa kanyang social media account sa naganap na imbestigasyon kahapon sa Senado na maging si Sen. Juan Ponce Enrile na napipikon na rin.
Kung saan man hahantong ang imbestigasyon na tulad ng iba pa mga kaso in the past na nawa-white wash kung hindi man nakakalimutan na sa tagal dahil sa bagal ng ating justice system, tila magbibilang na naman tayo ng ilang tag-araw at maging ilang tag-gutom na magiging dahilan ng panibagong rali para masagot o mabigyang-linaw ang isyu at lumabas ang katotohanan.
Hari nawa’y walang-sawa ang suporta nina Aiza at Liza sa isyu at sa mga isyu pang darating. Mabuhay kayo!
Reyted K
By RK VillaCorta