KAHIT SABIHIN pang we live in a fast-paced, constantly changing world—sa aminin man natin o hindi—we’re still a puritanical society.
Isang lipunan na kumikilala pa rin sa mga social norms, and those who deviate from these ay mabilis na kinakastigo, worse, isinusumpa as though these modern-day Pharisees were born sinless.
The latest showbiz news to have incurred public ire—well, hindi lahat—ay ang kasalang Aiza Seguerra at Liza Diño na naganap sa isang bansa kung saan malayang ikinakasal ang dalawang indibidwal na may parehong kasarian.
Right then, umani ang newlyweds ng mga batikos as if naman these judgmental netizens had no single mean bone sa kanilang sakdal-linis kunong pagkatao.
To begin with, blessed are Aiza and Liza for having accepting parents, respectively. Bagama’t both Mommy Caring and VACC Chairman Martin Diño had qualms sa pagpapakasal ng kanilang mga anak noong una, who are they—even as parents—to stop Aiza and Liza from finding kung saan ang kanilang personal na kaligayahan, which Mommy Caring and Martin admittedly couldn’t give?
Kung ang mga magulang nga ng bagong kasal, aprub sa kasalan, bakit kailangan pang mambuwisit ng ilan who had better fix their lives which—for sure—are like hell?!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III