KAHIT NOON pa man, supporter na ko ng LGBT rights. Kahit anong isyu para sa kapakanan ng mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders, kasama ako at ikakasa ko.
Kaya nga noong early years ng Ang Ladlad, sa pakikipagtulungan with kaibigang Danton Remoto and Bemz Benedito, naging agresibo akong palawakin ang mensahe ng karapatan ng LGBT na makarating sa publiko.
Kaya nga sa pag-amin nina Aiza Seguerra at Liza Diño na magpapakasala sila, masaya ako dahil breakthrough ito sa LGBT community na may isang pares na nagmamahalan with a celebrity status na openly ay magdedeklara ng isang bagay na hindi naman pangkaraniwan sa lipunang Pinoy.
Happy ako dahil kina Aiza at Liza, dahan-dahang nabubuksan ang konsepto na ang “same sex marriage” hindi man pupwede sa ngayon dito sa bansa ay isyu at pinag-uusapan ng social media. Ang mahalaga, namumulat ang publiko tungkol sa “pagmamahal” na meron ang LGBT.
In short, hindi na nahuhuli ang mga Pinoy may partisipasyon na ang lipunan para magbigay ng kanilang kuru-kuro at opinion tungkol sa bagay o usapin na dati-rati’y itinatago at ikinahihiya.
Proud ako na naging bading ako. Proud ako na ang relasyon nina Aiza at Liza at naitawid nila ng tama para ang konserbatibong lipunan at dahan-dahan natatangap (kung hindi man ay nato-tolerate) ang isyu ng LGBT at ang pagtanggap sa amin ng ipokritong lipunan.
Kaya nga seeing Liza and Aiza sa press launch ng bagong pantaserye ng ABS-CBN’s DreamScape Entertainment na Mira Bella kung saan isa sa regular cast ang aktres (sweet nila, huh) nakaka-inspire ang dalawa.
Sabihin man nilang dalawa na parehong babae ang magpapakasal na hindi nakasanayan ng lipunang Pinoy at least happy sila at mahal nila ang isa’t isa.
Sa first quarter of 2015 ang schedule ng pag-iisang dibdib ng dalawa. “It’s a commitment ceremony. It’s like a civil wedding,” kuwento ni Liza sa amin.
Sa California magaganap ang unang kasal kung saan taga-Los Angeles si Liza sa kanyang immigrant status.
After the civil wedding, sa Pilipinas naman gagawin ang traditional wedding with matching trahe de boda sa isang probinsiya kung saan parehong nature lover pala ang dalawa na napag-alaman namin.
Ipinagmalaki ni Liza sa amin ang engagement ring na bigay sa kanya ni Aiza na sapphire na birthstone ng singer. Inspired ang design sa singsing na bigay ni Prince William sa kanyang misis na si Kate Middleton.
Ang kasamahan ni Aiza na si Sylvia Sanchez sa morning show na Be Careful With My Heart ang isa sa magiging major sponsor sa “wedding of the century”.
Looking at both of them, how I wish, lahat sana ng tao sa mundo (lalo na sa Pilipinas) ay ma-in love sa isa’t isa tulad nina Aiza at Liza na walang tag o branding mapa-lalaki o babae ka man o ‘di kaya’y tomboy ka man o bading.
Mabuhay kayo, Aiza at Liza!
BUKAS SATURDAY, dadayuhin ng limang showbiz personalities ang Tanauan, Batangas para sa Mayor’s Cup Celebrity Basketball Tournament sa imbitasyon ng mabait nilang Punong Bayan na si Tony Halili.
Mga guwapings ang magpapasiklab sa larong basketball na mga artista ng Kapuso Network (GMA) tulad nina Benjamin Alves, Pancho Magno, Ruru Madrid, Roco Nacino at ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan.
Bukod sa kanilang lima, special guest and at the same time ay judge ang guwapong aktor na si Patrick Garcia sa Best Muse ng iba’t ibang local basketball teams sa basketball tournament kasama ang current Miss Earth-Philippines 2013 na si Angelle delos Reyes.
Bukas din ng gabi ay nasa Pagsanjan,Laguna kami para sa Mr. and Miss Bangkero 2014 na yearly personality competition sa bayan na pinamumununan ni Mayor Maita Sanchez-Ejercito na supported ng asawa niyang si Laguna Gov. ER Ejercito.
Sa evening event ang kaibigang Jobert Sucaldito at writer Dominic Rea ay tatayong mga judge at si Ahwel Paz of DZMM’s showbiz show na Mismo will be host for the event.
Reyted K
By RK VillaCorta