TAMA LANG ang attitude ng ibang showbiz personalities natin na deadmahin ang bashers nila. Talo ang pikon kung papatulan mo ang mga mapanirang statements ng mga taong walang yagbols dahil hindi mo nga naman sila kilala.
Karamihan sa bashers sa social media, walang totoong identity. Malakas lang ang loob na mag-super react, manlait at ipangalandakan ang mga walang wawang opinion nila online gayong hindi mo alam kung sino ang bumabanat sa ‘yo.
Akala ng mga hunghang, matatapang sila pero wala naman silang mga mukha at ang gamit na mga pangalan ay puro mga alias.
Hindi tulad sa totoong taga-media, alam ko kung sino ang taong pumpitik at bumabanat sa ‘yo. Kaya nga oks lang ‘yong reaction ni Liza Diño, ang partner ni Aiza Seguerra na ikinasal last December 8 sa isang scenic forest setting sa Santa Cruz Mountains sa Northern California (near San Francisco). Tama lang ang attidude ng bagong “misis” dahil kung pagpapatulan mo ang reason ng bashers, ikaw ang talo.
Ang daming mga nag-react sa kasalan ng dalawa. Alam n’yo naman ang konserbatibong lipunan ng mga Pinoy na para sa akin personally ay isang lipunang ipokrito.
Tama lang ang paninindigan ni Liza who is proud and out sa kanyang paniniwala. Sa kanyang Instagram account, she wrote: “We are not standing up for anything, we are just exercising our right to be treated equally.” Which for us is tama.
Sa konserbatibo at ipokritong lipunang Pilipino, alam ko na hindi pa rin nila tangap ang same sex marriage tulad sa naganap na pag-iisang puso ng dalawang taong nagmamaalan. Kung malaking isyu sa mga ipokritang Pinoy ang pagpapakasal ng dalawang babae, kebs. Pakiaalam ninyo. Sinulat ni Liza sa kanyang IG: “If you’re not used to it, then DEAL with it. If you can’t stand it, then by all means, PLEASE leave us alone. Our silence doesn’t mean that we accept your prejudiced opinions, it’s just that your ignorance has rendered us beyond words it’s almost funny.”
Sa mga ipokrita, sa bashers, mainggit na kayo or mag-super react, pero deadma kayo kina Liza at Aiza which is the perfect reaction at stand.
Kung ayaw n’yo, deadma. Mamatay kayo sa inggit. Mabuhay ang bagong kasal. Sinulat nga ni Liza karugtong ng kanyang reaction sa bashers nila ni Aiza: “We choose to be REAL (all caps). We choose to be HAPPY (all cap). We choose to be FREE (all caps). Mabuhay ang LGBT!
Reyted K
By RK VillaCorta