At last, tuloy na ang plano ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño na magka-baby this 2016. Tatapusin lang ng singer/actor ang commitment niya rito bago sila tumulak papuntang America para isagawa ang prosesong IVF (In Vitro Fertilization). Ito ang napili nila para magkaroon sila ng anak.
Mamamalagi sina Aiza Seguerra at Liza sa America for 2 months para isakatuparan ang prosesong IVF. Ayon kay Aiza, sa kanya manggagaling ‘yung eggs, they will store and freeze it. By the time na pina-process siya, mayroon na raw male donors na makukuha ang doctor nila. Pagsasamahin ang eggs niya at sperm cells ng guy and then magpo-form ito ng embryo at pagkatapos i-inject daw sa ovary ni Liza Diño.
Malaki ang participation at responsibility ni Liza, siya ang magdadala ng baby ni Aiza, magbubuntis for nine months at manganganak. Ang maganda pa nito, may karapatan silang pumili ng magiging male donor nila sa US. Kailangang lang daw na i-check ang background, race, at physical look ng donor na magiging ama ng kanilang baby.
Kung si Aiza ang tatanungin, gusto niya, artist ding tulad niya ang magiging anak nila ni Liza. Sana nga raw makakuha sila ng male donor na artist din tulad ni Aiza. Para nga naman mai-share nito ang talent niya as a singer-composer-actor sa kanilang anak.
Nasabi na nina Aiza at Liza ang tungkol sa bagay na ito at wala naman daw magiging problema. Last year pa inayos ng mag-asawa ang magagastos nila sa proseso. Aabot ng $11,000 kung walang magiging aberya at successful agad ang unang IVF. Kung hindi naman daw, kailangang mayroon silang P1.5 million.
Walang panghihinayang gumastos nang malaki ang loving couple magkaroon lang sila ng sarili nilang baby, flesh and blood na galing sa kanilang dalawa. Iba raw ang kaligayahang maibibigay at masasabing kumpleto na sila bilang pamilya.
If ever daw maging successful ang pagkakaroon ng anak nina Aiza at Liza, isi-share daw nila ito sa publiko.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield