READ ON!: HINDI nga raw siya naniniwala sa mga hula-hula o pagpapa-basa ng kapalaran mula sa cards-lalo na sa tarot. Pero para sa promo ng pelikula niyang Tarot sa Regal Films kahit na medyo nabigla si Marian Rivera at iniharap na sa kanya ang tarot reader na si Arlene Oliveros, game na nagpabasa na ito.
Pero mukhang mas kinabahan ang tarot reader sa mga binabasa niya kay Marian. Lumabas kasi ang aksidente. Kaya pinag-iingat ito, lalo na sa pagta-travel sa labas ng bansa. Ang isang natumbok lang sa binasa sa tarot cards kay Marian eh, ang pagkikita nila ng isang tao’ng malapit sa puso niya. At doon nito ibinulalas na plano nga niya na after ng showing ng Tarot pauuwiin niya rito ang kanyang ama for some bonding time.
Medyo naniwala na raw si Marian sa tarot reading. But just the same, gaya nga ng sinabi’ng mag-ingat siya at baka ma-aksidente,imposible naman daw para sa isang artistang gaya niya ang hindi lumabas ng bahay at magtrabaho. Pero ibayong pag-iingat na lang daw ang gagawin niya para makaiwas sa anumang sakuna.
Sinalangan naman nito ang pagko-komedi sa sitcom nila ni Manny Pacquiao, ang Show Me Da Manny at umaariba ang pagtata-taray ni Marian sa karakter niya na inis sa leading man niya.
FEARLESS FEAT: MUKHANG magkakaroon ng bagong career ang actor turned concert producer na si Jomari Yllana dahil kasali ito sa mga maglalaban-laban sa 3rd season ng Celebrity Duets.
Hindi nga ito tinanggihan ni Jom nang i-offer sa kanya, “Because I thought it would be fun. For a change. Katuwaan, gano’n.”
Sort of pagre-rest din muna raw niya ito sa pag-aasikaso niya the last time sa YouTube phenomenon na si Marie Digby-na bago nagtungo ng Japan for her tour, eh, inilibot pa muna niya sa Intramuros.
Concentrate din muna siya sa pelikulang pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Michael V.
Sabi ng kanyang girl-Friday at staff sa Fearless Productions na singer din na si Radha, ilan sa mga makaka-duweto ni Jom sa nasabing palabas ay si Joey G. ng Side A at si Julia Clarete.
Ilan sa makakatunggali ni Jom sa nasabing palabas ang premyadong aktres na si Gina Alajar, ang bagong boxing champ na si Donaire, ang may-ari ng Aficionado na si Joel Cruz at marami pa.
Ang tanong,si Radha raw ba ang voice coach ng actor turned concert producer?
MAN IN UNIFORM: “Lesbiyana ako…” ang kelan lang tahasan nang namutawi sa mga labi ng Acoustic Diva na si Aiza Seguerra.
Pang-sampung album na nga raw ‘ata niya itong bago niyang inilabas na may mga cover version ng Pinoy at ibang foreign artists, ang Aiza Seguerra Live!. Fifteen na kanta ang muli na namang magpapasaya sa mga Aiza fanaticsna linggo-linggo’ng inaabangan ang “Sessionista” part nila sa ASAP ‘09.
Kung may mga nag-a-out na sa pagiging mga bading nila, si Aiza naman ang masasabing kauna-unahan sa showbiz na umamin na she’s ‘gay’. At hindi rin nito itinatago ang matagal na niyang karelasyong na kung ilang taon na ring naka-agapay sa kanya sa lahat ng gawin niya-aral, trabaho, gigs, travel, etc.
May pangarap pa pala si Aiza na makapagpatuloy ng pag-aaral at Forensics ang kanyang kukunin para raw makatulong sa kapulisan ng ating bansa.
The Pillar
by Pilar Mateo