BUONG NINGNING na inamin ni Aiza Seguerra na “pinag-leave of absence” siya ng ASAP 20, ang longest-running musical weekly show ng ABS-CBN, nang tanggapin naman ni Aiza ang isang bagong show sa kabilang istasyon.
Ito ay ang Princess In The Palace na magsisimula na ngayong araw na ito, September 21, Lunes, 11:30am, bago mag-Eat… Bulaga! sa GMA.
Ani Aiza, hindi naman daw siya totally “tsinugi” ng Kapamilya Network sa ASAP 20, kundi marahil, habang umeere pa ang Princess In The Palace niya, kung saan bida si Ryzza Mae Dizon at si Eula Valdes na gumaganap namang President ng Pilipinas.
Inamin ni Aiza na six years na rin siya sa ASAP 20, pero mas matimbang pa rin ang kanyang TAPE family (TAPE ang production behind ng Ryzza show nila), kung kaya’t pinili niyang gawin ang serye, kahit na mangangahulugan ito na pansamantalang hindi muna siya mapanonood sa ASAP tuwing Linggo.
Freelance naman daw si Aiza, walang pinirmahang network contact. Pero sa ngayon, mas nangibabaw sa kanya ang loyalty sa tinagurian niyang “family”, dahil TAPE din po ang producer ng Eat Bulaga, kung saan siya nagsimula noong batang paslit pa lang siya.
Samantala, nakatutuwa ang nasabing project dahil first time itong pagsasama in a serye nina Aiza at Ryzza na tila “reflection” ni Aiza noong ito’y bulinggit pa lang bilang Little Miss Philippines na minahal ng publiko.
Si Ryzza naman ay naninibago rin sa drama, dahil two years ding tumagal ang Ryzza Mae Show na cute hosting naman ang ipinamalas niya. This time, aktingan sila nina Aiza, Eula, kasama rin sina Boots Anson Roa, Marc Abaya, Ces Quesada, etc.
May kurot sa puso ang kuwento ng Princess In The Palace tungkol sa isang batang aampunin, at kakaiba naman ito for Eula dahil kung dati ay Amor Powers lang na president ng kumpanya ang kanyang role, this time ay Presidente naman ng bansa.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro