TRUE KAYA ang lumabas sa isang website na ang pangalan daw ng girlfriend ni James Yap ay Michelle Acazzola?
Kasama sa pagri-reveal ng website ang photo ng blonde girl na kasama ni James sa isang photo na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Naka-black bustier top ang girl at maong pants nang makunan ito ng litrato sa airport yata.
Halatang pinagkaguluhan ang blonde girl dahil ang daming nagpakuha na kasama siya.
Could she be the rumored Filipino-Italian girlfriend of Kris Aquino’s ex-husband?
Kung siya nga, aba, hindi hamak na mas bata siya at mas maganda kay Kris, ha?
At mukhang dalaga at hindi pa nagkaanak.
More, nanggaling daw ito sa mayamang angkan.
Some were speculating na baka kaya nanggagalaiti sa galit itong si Kris ay dahil nakakuha na ng bagong karelasyon si James at siya ay wala pa.
Isa pa nga raw na ikinaloka ni Kris ay meron daw pumatol kay James na mayaman at bata at may pinag-aralan pa.
Ang akala siguro niya ay wala nang papatol kay James after ng hiwalayan nila.
Helllooooooo? Ang dami kayang nagkaka-crush kay James na babae, ‘no!
Actually, mas marami nga ang nakikisimpatya sa basketball player kaysa sa TV host.
HIWALAY NA ba si Aiza Seguerra sa kanyang karelasyong singer?
We’re asking this because may nakarating sa aming chika na this Aiza pala waited for hours kay Liza Diño, matapos ang segment nito sa isang cooking event sa Subic.
Apparently, Aiza was smitten by Liza’s charm daw.
Da who si Liza?
Siya ay isang chef, beauty queen at indie actress who has appeared in In Nomine Matris. Nasa bansa siya ngayon at isang taon siyang mananatili matapos niyang mag-stay nang matagal sa US.
In the cooking show, Aiza patiently waited for Liza to wrap up her segment.
Ang akala nga nag mga tao roon ay aalis na kaagad si Aiza matapos niyang mag-perform, pero nag-stay pa ito all because of Liza.
And when the event was finished, magkasama na nga raw na umalis sina Aiza at Liza.
So, hindi na nila itinatago ang kanilang relasyon?
NALOKA PALA ang ABS-CBN Corporate PR sa nasulat naming noong Monday about the disappointment of an editor dahil binaha ng press release ang kanyang e-mail.
Kaagad na nag-react pala ang naiwang staff ng PR office ng Dos at pinagsabihan ang mga nagpapadala ng press releases nila na ‘wag nang i-e-mail ang isang editor dahil nagrerekamo raw ito.
Laugh kami nang laugh nang malaman naming nataranta talaga ang PR office ng Kapamilya dahil sa aming nasulat na message ng editor sa kanyang Facebook account.
Sabi nga ng isang nagwo-work sa PR office ng Dos ay talaga namang sobra kung magpadala ng praise releases ang mga bossing nila. Mabuti nga raw at may naglakas ng loob na magsulat about it. Mabuti na nga rin na may isang editor na nagsulat ng mensahe sa kanyang Facebook account. Kung hindi kasi ay baka until now ay padala pa rin nang padala ang office ni Bong Osorio ng pralala sa editor na ‘yun.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas