Hindi pala sanay sa rallies si Aiza Seguerra. ‘Yong rali o protesta sa kalye na mabibilad ka sa araw at kung minsan ay mababasa ka sa ulan na kadalasan ay nauuwi sa pukpukan at habulan, na tuloy, nagiging war zone ang area, kung saan nagtatapo ang mga pulis at mga aktibistang nagma-martsa.
Ganu’n ang mga kaganapan tuwing may SONA mula pa sa administrayon ni President Cory Aquino na ang mga sumunod ay nasa kasaysayan na ng mga kuwentong SONA na ang lahat ay nauuwi sa kaguluhan at sakitan, except for the first SONA of PDigong noong Lunes.
Naging maganda ang exposure nina Aiza Seguerra at asawa niyang si Liza. Mula nang mamulat sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan na nagsimula sa involvement nila ng asawang si Liza Diño sa isyu ng Lumads noong 2015, naging sunud-sunod na ang exposure nila sa kaliwa’t kanang issues na hindi napagtutuunan ng pansin ng ilan.
Kaya nga “binyag” kay Aiza ang 1st SONA last Monday ng sinuportahan niyang pangulo ng bansa na si President Rodrigo Duterte kaya sumali siya sa martsa kasama ng mga ilang mga aktibista na pareho sila ng mithiin at adhikain.
Kung hindi ako nagkakamali, nauna na sina Nelia Sancho (Miss Asia Pacific) at isa pang former beauty queen na nag-skip ang pangalan habang isinusulat ko ito. At recently, frontliner sa mga rally ang stage actress at Miss Saigon star (bukod kay Lea Salonga) na si Monique Wilson, at lately ay sumama na ang dating bauty queen na si Ms. Isabel Lopez (Bb. Pilipinas-Universe) sa hanay ng grupong Gabriela, kung saan both Maribel and Monique are affiliated.
Pero ang latest celebrities natin na masidhi na rin ang involment sa kilusang pagbabago ay ang mag-asawang Aiza at Liza na ang advocacy nila ay para sa kalayaan at karapatan ng mga kapatid nating mga Lumad.
Kuwento nga ni Liza sa amin sa first mass action ni Aiza, “Hindi kinaya ni Aiza. Hiyang-hiya nga siya, eh. Kasi ‘yung mga matatandang Lumad, ‘di alintana ang init.
“Bigla nga lang siyang nahilo dahil sa sikat ng araw. Alas-dose kasi and since the day before, may sakit si Ice. Nahiya raw siya sa mga lola na hindi natitinag sa paglalakad especially the Lumads from Mindanao.
“I I didn’t go to the SONA. I am shooting for a new film. Ibang klase ang experience according to him (Aiza). First time niyang magmartsa kasama ang mga people’s organizations.”
Pagpapatuloy niya, “We were invited by Concerned Artists of the Philippines bilang miyembro kami ng organization. They asked Aiza to perform a song sa truck nila na naka-istasyon sa harap ng Batasan.
“Unlike other SONAs, dati maraming riot ang nangyayari, ngayon napaka-peace up at nagkakasundo ang mga pulis at mga militanteng grupo. Aiza was in awe of the placards,” kuwento niya tungkol sa karanasan ng mister sa rally.”
Sabi ni Liza: “Dati raw puro “Ibagsak ang gobyerno” ang nakalagay (sa mga placards), ngayon puro statement of support ang nakalagay. Ang gaganda din daw ng mga murals na pumalot sa dating EFFIGY na sinusunog. Tapos nu’ng sumama siya magmartsa, nakikipagkawayan daw ang mga sundalo sa kanila.”
Alam ko, simula pa lang ito. Marami pang rallies at mass actions ang sigurado ako na dadaluhan ng mag-asawa sa mga darating na panahon.
Yes, sina Aiza at Liza ay hindi lang para sa mga Lumad, para rin sila sa kapayapaan. Kita-kits sa mga rally.
Reyted K
By RK VillaCorta