Pinalagan ni Aiza Seguerra ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin na ang SK at barangay councillors dahil hindi naman sila talaga kailangan.
“Sir, maybe you should talk to US before you say anything about abolishing SK. Ilang taon pinaghirapan ng NYC at mga organisasyon para maisulong ang reporma na ipapatupad sa susunod na SK elections. Ilang taon ng walang boses ang kabataan at sa iyong planong pag-abolish ng SK, isa itong pagtapak sa karapatan ng kabataan na magkaroon ng representasyon sa bawat baranggay. Kung totoo ang sinasabi ninyong lahat na “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”, then you will be doing a great disservice to your country and countrymen should you decide to push through with this.”
‘Yan ang hanash ni Aiza sa kanyang Instagram account.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas