BLIND ITEM: ‘ETO NA. Nirereklamo na ng mga kasamang artista ang guwapong young actor. Kesyo wala raw pakialam talaga ito sa mga kasama kung nalalanghap man nila ang buga niya ng usok ng yosi niya.
“Ang lakas-lakas manigarilyo, grabe. Kauubos lang ng isa, sindi na naman. Parang chimney. Juice ko, kumusta na kaya ang baga ng taong ‘yan? At kung wala siyang pakialam sa baga niya, sana, magkaroon siya ng pakialam sa baga ng ibang taong nakakalanghap ng second hand smoke niya.”
Dito ay a-agree kami sa nagkuwento, dahil alam n’yo ba ‘tong batang ito nu’ng kasama pa sa isang sitcom? Pagbukas namin ng dressing room niya, juice ko, ‘kala namin, sinusundo na kami ni Lord, dahil hitsura ang alapaap sa loob!
Para ka ring nasa Baguio na super foggy, dahil hindi na alam ng usok kung saan siya lalabas, kaya nagkukumpol-kumpol na lang sila sa ere sa loob ng dressing room.
“Ako nga mismo,” sey ng kasama niyang artista, “’Kala ko nu’ng una, blind item lang, until makausap ko siya nang face-to-face. ‘Tangna, simula nu’ng malanghap ko ‘yung hangin mula sa bibig niya, kada buka ng bibig niya, hindi ako humihinga talaga.
“Pumepektus ako na kunwari, lalayo ako nang bahagya sa kanya, pero langhap ko pa rin, eh. Grabe talaga. Kung yosi lang ‘yon, sasabihin mo, smoker’s breath lang ‘yon. Pero hindi, eh. Parang galing sa loob na ‘yung baho ng bunganga niya.
“Kaya nga sa loob-loob ko, pa’no kaya siya nate-take ng mga nakakahalikan niya, ‘no? Ang baho talaga. Eh, kasi naman ‘yung taong ‘yon, hindi rin nagka-carbo, kung anu-ano lang na pang-diet at di-pampataba ang kinakain.
“Conscious ka sa katawan mo, pero sa hygiene mo, kumusta ka naman?”
Nakakalokah, pa’no kaya ia-address sa young actor ito, ‘no? Kung maaagapan si-guro ito, baka sa susunod, simbango na ng bulaklak ang kanyang hininga.
NANGILID ANG LUHA namin pag-unveil sa poster ng Eye Bank Foundation. Pati si Daddy Gerry Perez at si Mommy Marivic, hindi maalis-alis sa nakangiting larawan ni AJ Perez ang kanilang tingin.
Si AJ ngayon ang poster boy ng Eye Bank Foundation kung saan siya ang simbolo ng bawat eye or cornea donor. Dalawang nilalang nga ang nabiyayaan ng kanyang cornea na nandu’n din sa launching para personal na magpasalamat sa magulang ng namayapang aktor.
Um-attend din ang mga kaibigan ni AJ na sina Jessie Mendiola, Joseph Marco, Enrique Gil at iba pa bilang pagsuporta sa kanilang kaibigan.
Isa rin itong paraan para hikayatin ang mga tao na magsuksok ng card ng Eye Bank Foundation para pag dumating ang time na kukunin na ni Lord eh ido-donate na lang ang cornea o ang mata sa Eye Bank.
Maging kami ay kumuha na rin ng donor card, pero siyempre, ipinagpe-pray pa rin namin na saka na, after 50 years, Lord, ha? Ang liliit pa ng mga anak ko, hahaha!
Nakiusap talaga ke Lord? Hahahaha! Love You, Lord!
NAKAKALOKAH SI PAPA Piolo Pascual. Ang itinuring na yata niyang second home ay ang Badminton court, dahil adik ang lolo n’yo sa Badminton. Kumukonsumo siya ng mga anim na oras dito araw-araw.
Kaya naman nu’ng huli namin siyang makalaro (dahil matagal din kaming hindi nakalaro), aba, gumagaling si Papapi. Pati nga ang anak niyang si Iñigo na nagbabakasyon dito sa ‘Pinas (dahil sa September, pasukan na sa US) ay mahusay ring pumalo.
Eh, ‘yung Badminton court, siya na ang nagsasara, dahil inaabot ng hanggang ala-una ng madaling-araw, kalokah. Kami na nga ang hindi nakatagal eh, kaya u-meeskapo na kami, dahil kuwarenta’y uno na ‘ko, ‘no!
Si Papapi, hayup ang stamina sa Badminton, ‘kalokah talaga. Meron din siyang stock ng energy drinks para sa mga inimbita niyang maglaro, me bitbit pang component para sabayan ng tugtog ang laro ng buong grupo.
Kaya balang-araw, ‘wag na tayong ma-shock kung maging pambato ng Philippine Team sa Badminton si Papapi. Hahahaha! Adik sa laro, eh!
Oh My G!
by Ogie Diaz