BLIND ITEM: NAKAKATAWA ‘tong baklitang friend namin na frequent sa isang spa. Kung magkuwento ang hitad, para lang kaming nagbabasa ng kuwento ni Xerex. Hahaha!
In-email niya sa amin ang kanyang tsika, kaya hayaan natin siyang magkuwento. Pasok, Xerex, este, friend….
“Mare, pasencia na sa abala. pero nakakatawa lang at nakakainis ang kwento ko. Nung Thursday, pagkatapos kong mag-FF e nagpunta ako sa ___ (pangalan ng spa). Alam naman natin na may mga nagaganap sa shower at sauna pero bahala na ang may katawan kung deadma, maki-usyoso o sumali. Hindi naman sa pagmamalinis, e di ko feel sumali sa mga krimen nang araw na iyon kasi puro thunders nandun. At malalaki pa mga tyan, mare.
“After a few minutes, may isang rumampa na mshoba na uli ngayon. Si ___ (name ng dating member ng ‘That’s Entertainment na ngayon ay direktor na). Alam ko gumanda na katawan niya dahil nakasabay ko na rin siya sa Wensha dati at fab talaga sa pagka-fit siya nun. Anyway, dahil di naman niya ako kilala at baka sabihin ay may pagnanasa ako sa kanya, deadma na lang. Pero eto na, pagpasok ko sa sauna ay naabutan ko siyang nagbabatibot. Mereseng may isang thunder na nanonood sa kanya, go pa rin siya ng go. Ako naman e napapikit na lang sa kanyang di kagandahang gawain.
“Dahil nga, di ko naman siya type. Maya-maya ay papalapit na siya ng papalapit sa akin at gusto pa yatang luhuran ko siya. Tango siya ng tango na tila niyayaya ako. Dun medyo ‘na-offend’ na ako dahil hinahayaan ko na nga siyang magsariling sikap e gusto pa akong idamay. Pabulong, para naman hindi siya mapahiya, sabi ko, direk naman… so that he would know na, kilala siyang tao. Tapos lumabas na ako para magshower.
“Aba si Direk, sumunod. Sa shower naman nagbatibot. Mare, di na nga kagandahan katawan niya, di pa rin kagandahan ari niya. Pero dahil mabait ako at ayokong mapahiya siya, umalis ako ng walang pagtataray na eksena. Nagbabad ako sa whirlpool pero maya-maya ay eto na siya lumusong din. Akala yata talaga ay pagbibigyan ko siya. Buti na lang at dumami na ang tao at siguro naman ay hindi na siya magngangahas. Umahon ako at bumalik sa sauna. Sumunod uli siya.
“Lumabas ako dahil marami na ngang tao. Mayamaya, lumabas din siya. Tumuloy sa shower at nagbatibot uli. Hayagan na niya akong niyayaya at pinapakita talaga ang kanyang naghuhumindig (asan?) na maliit na sandata na natatatakpan ng kanyang malaking tiyan. Mukhang libog na libog si Direk kaya tila wala na siyang keber talaga. Ako na mare ang napapahiya para sa kanya kaya bumalik na ako sa locker area at uminom ng tsaa.
“Mayamaya ay nakita ko na siyang lumabas at nagbihis. Ewan ko kung nakaraos.”
Hahaha! Nakakatawa talaga ‘tong kumare kong ‘to!
CONGRATS SA BUMUBUO ng Tumbok dahil na-serve ng pelikulang ito ang “nakakatakot, nakakagulat at makapigil-hiningang mga eksena” na mahirap nang ikuwento, dahil magmumukha lang kaming KJ.
Mas mainam kung panonoorin n’yo mismo, dahil may mga twists ang istorya. Umpisahan para mas maintindihan.
Si Cristine Reyes nga na siyang bida, ‘pag may time din lang ay yaya nang yaya sa mga friends niya para manood ng obrang ito ni Direk Topel Lee at produced ng Viva Films.
Kahit napanood na niya ay nagugulat pa rin daw siya sa mga eksena. “Hindi naman kasi nakakahiyang i-recommend sa mga kaibigan ‘yung movie namin ni Carlo Aquino, dahil talaga namang nakakatakot at maganda ‘yung movie!”
Kunsabagay, ilang batikang kritiko na rin ang nakapanood ng pelikula at sa lalim ng kanilang expertise sa pag-criticize ng pelikula ay sila mismo, nagulat din at natakot sa Tumbok.
Kaya congrats sa buong cast!
Ang sey nga ng isang kritiko, “Ang layo nitong pelikulang ito. Parang Hollywood ang pagkakagawa kumpara sa ilang pelikulang nakakatakot ang tema, pero mas nakakabagot!”
SA MAY 26 na ang 40 days ng pagkamatay ni AJ Perez at merong isang pamisa ang pamilya ng young actor na paimbita sa ilang mga nagmamahal sa binata.
And speaking of AJ Perez, picture naming dalawa ang profile pic namin sa aming Twitter account bilang pakikidalamhati sa mga naulila ni AJ.
Pero gusto na rin naming maka-move on, dahil alam namin, si AJ mismo, ayaw na malungkot kami. Actually, ilambeses na na-ming tinangkang palitan na ang picture naming dalawa.
Pero ang nakakalokah, ayaw niyang gumana. Ayaw niyang magpalit. ‘Yun at ‘yun pa ring retrato ang umaapir bilang profile pic namin.
Kaya sabi namin, siguro nga, i-maintain muna namin ‘yung retrato at sa May 27 na lang namin ito papalitan.
Kinilabutan talaga kami. Parang si AJ, ayaw pa. Gusto niya siguro, tapusin muna ang 40 days. At sana naman, after 40 days, successful na ang pagpapalit namin.
Baka type n’yo po kaming i-follow sa Twitter @ogiediaz at sa aming FB fanpage “The Ogie Diaz” at sa aming blogsite www.ogiediaz.blogspot.com.
Oh My G!
by Ogie Diaz