Akala ko may ban sa Lebanon?

NAG-APPLY PO AKO ng trabaho sa Lebanon. Pero ‘di po ito naaprubahan dahil may ban daw doon ang gobyerno natin. Pero bakit po ‘yung kapitbahay ko, nakabalik na naman doon? Ano ba talaga ang patakaran ng gobyerno natin sa lugar na iyon?

Dennis ng Sipocot, Camarines Sur

NANANATILI ANG BAN sa deployment sa Lebanon. Pero ito ay para sa mga bagong mag-a-apply pa lang ng trabaho roon.  Pero ayon sa POEA, ‘yung mga dati nang nagtatrabaho roon ay hindi sakop ng ban. Maaari silang mag-renew ng kontrata. Baka dati nang nagtatrabaho ang kapitbahay mo roon?

TRAVEL AGENCY O RECRUITER?

Nagpatulong ako ng processing ng visa sa isang travel agency. Nagdagdag pa ako ng bayad dahil nangako sila na tutulungan din nila ako na maghanap ng employer sa ibang bansa. Gaano po kalaki ang dapat kong ibayad na placement fee kapag travel agency ang lumalakad ng aking mga papeles?

Lucy ng Valenzuela City

‘DI KA DAPAT MAGBAYAD ng placement fee sa tra-vel agency dahil hindi ito lisensiyadong mag-recruit. Ipinagbabawal ng batas na magre-recruit ang anumang kumpanya na hindi lisensiyado bilang recruitment agency. Bawal para sa mga ito ang mangako ng employment sa abroad. Ang pa-ngangako ay katumbas ng recruitment.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articlePambata?
Next articleDismissal vs deputy ombudsman Gonzales, obvious na panggigipit?

No posts to display