TEN YEARS na sa showbiz industry ang Filipino-Japanese actor na si Akihiro Blanco na produkto ng reality show na Artista Academy ng TV5 noong 2012. Hindi inakala noon ng binata na papasukin niya ang pag-aartista dahil wala naman daw siyang interes dito.
Kuwento niya, “Tina-try ko lang nung una. Sumubok lang ako sa audition hanggang napasama sa Top 6. Pero wala talaga akong kumpyansa sa sarili ko. Nahihiya pa ako noon, eh.
“Parang hindi pa ako ready nung time na yon. Pero kung nandoon ka, wala ka na magagawa, eh. Kailangan mo na lang galingan.”
Nasa ibang bagay daw ang kanyang interes tulad ng sports at internet gaming.
“Sa sports talaga yung interes ko. Work out, laro, play station, mga video games. Yon yung 16 years old na Aki. Yan yung pinagkaka-abalahan ko — e-sports and sports na physical,” aniya.
Eh, kailan ba niya nagsimulang mahalin ang caft ng acting?
“Nang tumagal nang tumagal, after ng Artista Aademy, doon ko na minahal yung craft na ’to, yung mundo ng showbiz, yung pagiging actor. Sobrang naging passion ko na siya,” saad niya.
At dahil napamahal na nga sa kanya ang showbiz kaya naisantabi muna niya ang pag-aaral.
‘Masyado kasing naging busy. Naging tuluy-tuloy ang trabaho. Hindi na ko nakatapos. Pero baka kumuha ako ng… after ng lahat ng pinagkaka-abalahan ko. Tina-take ko lang talaga yung chance kasi once-in-a-lifetime lang ito,” dahilan niya.
“I’m happy for the past 10 years. Para po sa akin… lahat po kasi ng mga ginawa ko tinodo ko talaga. I’m very proud sa mga ginawa kong movies, kahit mga series lang or episodes. Lahat yon, ano sa akin yon, milestone ’yon sa career ko,” proud na pahayag ni Akihiro.