SOBRANG BUSY ngayon si Akihiro Blanco. Lagare kasi itong batang ‘to sa tatlong shows sa TV5 at sa kauna-unahang pelikula nito para sa Cine Filipino Film Festival na Mga Alaala sa Tag-Ulan.
Kasalukuyan nang nagti-taping si Akihiro sa dalawang bagong shows na ito at malapit na ring simulan ang taping niya para sa tele-cine ng Kapatid Network na pagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor at Tirzo Cruz III na When I Fall In Love.
Sa storycon noon ng Mga Alaala sa Tag-ulan, inamin ni Aki na kabado siya sa mga eksena nila ng co-star na si Mocha Uson, dahil nga bagito pa siya pagdating sa paggawa ng pelikula.
At noong nakaraang Huwebes, June 6, natapos na ang shooting nila ng nasabing pelikula na ginanap sa isang school sa may Rizal. Last Tuesday naman nang makausap namin ang Artista Academy second best actor, sinabi niyang pinghandaan daw talaga niya ang mga maseselan nilang eksena ni Mocha.
Lahad nito, “’Yun nga ‘yung big scene namin ni Mocha, at hinahanda ko ‘yung sarili ko eh. Kasi, basta ewan ko, handa na siguro ako nu’n kasi kakatapos lang ng shooting namin noong Monday, kahapon lang. So ngayon nagri-ready na rin ako at tsaka siyempre first movie ko ‘yun, kaya kailangan ko talagang maghanda at kailangan kong galingan. Kasi, gusto ko kasi, parang hindi siya makalimutan ng mga tao, kasi first movie ko siya. Siyempre ganu’n naman talaga kung ano ‘yung una mong palabas, ‘yun ‘yung natatandaan talaga eh. So, kailangan ko talagang ibuhos lahat du’n.”
Aminado naman si Aki na nahirapan siya sa maraming eksena na kinunan dahil palagi raw siyang basa sa ulan. Aniya, “’Yung mga pinakamalaking eksena na nakunan na namin, ‘yung mga eksena sa ulan. Kasi mahirap, alaala kasi ng tag-ulan, so maraming rain effects. So talagang lagi akong basa nu’n, naghahanda talaga ako lagi.”
Pabirong tanong namin sa binata kung nadadala ba siya sa ilang eksena nila ni Mocha na sexy. Sagot nito, “Wala pa kaming mga eksenang ganu’n, sa Huwebes pa lang pero hindi naman ‘yun talaga ganu’n ka-sexy. Kung mapapanood n’yo ‘yan parang kilig lang. At tsaka hindi naman siguro ‘yun lang ang tutukan ng mga viewers kundi yung istorya. Maganda talaga ‘yung istorya nito.”
PARA SA amin, isang fairy tale love affair ang naipundar nina Richard Poon at Maricar Reyes kung saan nagkakilala ang dalawa sa music video na ginawa ng crooner. Sa exclusive na panayam ni Korina Sanchez sa bagong kasal sa TV Patrol last June 10, tinanong nito ang dalwa kung sa shoot pa lang daw ba ay ‘Nag-fireworks ba, love at first sight?
Sagot ni Richard, “Ako ‘ata, crush at first sight. I saw Maricar in Betty La Fea and being Taiwanese… (after the shoot) I called her to say thank you and that one call to say thank you lasted for 45 minutes.”
Ayon naman kay Maricar, “After he thanked me, I think during that time nga, I was ano eh… taping when he called. It was a break during taping pero okay pa rin e parang lagi siyang merong topic na na-bi-bring up na, “Uy okay ‘tong pag-usapan ah.”
Dagdag pa ni Korina, “Kung siya instant sayo, ikaw kalian ka talaga na parang nagustuhan mo na rin siya.”
Tugon ni Maricar, “Ako naman kasi basta nakukuha mo ako with conversation, parang napapaisip ako, ‘Puwede to e,’ pero yun muna kasi I’m very guarded. I’ve become very guarded.”
Isang taon daw lumayo si Richard kay Maricar matapos noon dahil gusto daw niyang makasiguro sa damdamin nito para sa actress-model.
Tanong pa ni Korina, “So what made you be sure?”
Saad ni Richard, “After one year wala akong ibang…w alang nag-trigger ng heart ko the way na ‘pag nakikita ko siya. I knew that siya na.”
At noong nakaraang taon, 2012, hiningi na raw ni Richard ang mga kamay ni Maricar sa mga magulang nito, pero kaunti lang daw ang nakakalaam na engaged na sila. Kasunod nito, pinlano na raw nila ang isang simple na private Christian wedding at naganap nga ito kahapon, June 9 sa Bellevue Hotel, Alabang.
Plano raw ng dalawa na tumulak ng Taiwan para sa kanilang honeymoon.
Sure na ‘to
By Arniel Serato