WALA PA ring pagsidlan ang kaligayahan sa puso ni Akihiro Blanco sa dami ng sumuporta sa kanya noong Sabado, October 27, sa awards night ng Artista Academy. Nahirang na best actor noong gabing ‘yun si Vin Abrenica at best actress naman si Sophie Albert.
At sa panayam namin sa kanya, nothing but happiness lang daw talaga ang kanyang naramdaman.
Kuwento pa niya, “Sobrang sarap po ng feelings nu’n, nagulat ako. Kasi opening number po namin, paglabas ko, an’daming naka-yellow, so parang tanong ko, ‘ano bang ginagawa ng nanay ko at an’daming tao?’”
Yellow kasi ang kulay na naka-assign para sa kanya noong gabing ‘yun.
Dagdag pa niya, “’Andun ‘yung mga kaibigan ko, ‘andu’n yung buong pamilya ko, tapos ‘yung fans na sumusuporta sa akin. Eh, ‘yung mga ‘yun, mga galing sa mga school ng Pasig at talagang pumunta sila roon para lang mapanood ako. ‘Yung iba, galing pa sa ibang probinsiya.”
Wish din daw niya sa gabing ‘yun na ang kanyang pangalan ang mabanggit bilang best actor, pero dahil nga ito ay isang kumpetisyon, anybody’s ball game daw talaga ito between him, Vin at Mark Neumann. Saad niya, “Pero kaming tatlo gusto rin po naming manalo kasi sa kumpetisyon, pero para sa akin an’dami ko pong napa-enjoy na tao nu’ng time na ‘yun sa Smart Araneta at nakita ko lang silang masaya, nagtatalon, at sumisigaw ng pangalan ko po, happy na ako du’n.”
Sa ngayon daw, after the competition, gusto raw niyang patunayan na may angking talento rin siya na ipakikita sa mga taga-
hanga. Dagdag pa niya, “Mas gagalingan ko pa at sisipagan ko pa.”
Noong gabi din ng awards night, may mga ipinakita sa manonood na short films, kung saan ipinakita nilang anim na estudyante ang kanilang galing sa pag-arte sa loob ng limang minuto. Napunta kay Akihiro ang kuwento ng isang bad boy na teenager na may titulong ‘Patapon’. Kasama ni Akihiro sa short film na ‘yun ay ang magaling na stage and TV actress na si Irma Adlawan.
Ano kaya ang masasabi niya na nakaeksena niya si Irma? Kuwento niya, “Noong una po talagang nagulat ako, hindi ko po ini-expect. Tsaka hindi ko po lubos na kilala si Mam Irma. So, nu’ng nakita ko na siya, du’n ko na nakilala siya, nakikita ko kasi siya sa TV. So, ‘yung nakaeksena ko na po siya, sobrang galing niya talaga, talagang nadala niya po ako nu’n.
“Naiyak po ako sa kanya, kasi noong time na ‘yun, ang turing ko sa kanya ay nanay talaga. So ‘yung karakter nu’n, parang pumasok talaga na anak ako. So medyo bad boy, ‘yung iniisip ko du’n sa karakter na parang lahat ng kaya niya (as ina) ay ginagawa niya para sa akin. Kaya naiiyak ako nu’n. Sobrang galing po talaga ni Miss Irma.”
Ano kaya ang mga natutunan niya sa magaling na actress? Aniya, “’Yung mga natutunan ko po sa kanya ay ‘yung karakter niya, hindi niya binibitawan. ‘Yung time po na umarte kami, hindi po talaga siya si Irma, siya po ‘yung karakter niya. Kaya bilib ako sa kanya.”
MASAYA SI Aiza Seguerra na kasama siya sa casts ng magbubukas na stage musical na Alladin. Pagbibidahan ang show ni Tom Rodriguez na umaming nag-audition pa talaga siya para sa role.
Si Aiza naman ay handpicked na ng Atlantis Production para sa kanyang role bilang isa sa mga genie. Pero ang na-miss daw talaga niya ay ang mag-perform at gumawa ng album dahil sa busy siya ngayon sa tatlong taping days per week para sa Be Careful With My Heart.
Happy naman daw ang kanyang lovelife pero ayaw niya itong idetalye. May ganu’n pa talaga, ha, Aiza? Hahaha! As in happy raw siya. Period. Period.
Well, naitanong namin sa kanya kung may balak din ba siyang mag-ampon in the future at oo naman ang sagot niya.
Sure na ‘to
By Arniel Serato