HABANG NAG-IIKUT-IKOT ako sa Terraza Resort sa Dita, Sta. Rosa, Laguna ay may napansin akong kumakanta ng rock. Akala ko ay karaniwang banda lang ‘yun. Napangiti lang ako at naisip kong maganda. Pero, ‘di ko akalaing si Makisig pala at may boses. Nalaman ko lang ito nang aking makapanayam na grand champion pala siya sa Little Big Star contest noong bata pa siya. Maya-maya lang, ‘Sir! Idol pa-picture naman’. Naks! Napagkamalan na naman akong artista. Picture-picture kami at pagkatapos sabi sa ‘kin ng mga pilyo, ‘Rock on!’ Hehehe, artistahin nga kaya ako? Kadalasan kasi nagpapa-picture sa ‘kin kahit saan. Nakangiti, kaya nakangiti rin ako. Ang kaso, kung sinu-sinong mga pangalan ang tawag sa ‘kin. Wow mali!
Hello, Mr. Makisig. Kumusta? Gusto ko ‘yung kanta mo, ‘yung rock. Ani Makisig, “Maganda po, medyo pinagpapraktisan ko po iyon, eh.” Napag-usapan namin kasi ‘yung nakipag-jamming siya sa banda habang patuloy naman ang isang night party. Maganda, maganda.
Mahusay kang kumanta, sinong naka-discover sa ‘yo? “Ah du’n po sa Little Big Star. Kasama ko po sina Rhap Salazar, sina Charice Pempengco, sila Sam Concepcion. Bale ‘dun po ako unang nakita. Tapos, nag-Super Inggo po ako.”
Ah, ako naman si Kapitan Inggo, hehe… joke-joke! Napunta ako ng ABS. Siguro hindi lang tayo nagkikita sa ABS-CBN. Uhmm… ngayon sa pagiging singer mo, nag-dramatic actor ka na rin ba?
“Opo, nag-drama na rin ako. Ah, bale ako po iyong bata sa Super Inggo. Saka marami na rin akong pinaglabasan sa Maalaala Mo Kaya (MMK).”
Waah! Naala-ala ko na nga ang batang ito, si Super Inggo. Pero, I heard, kasama siya du’n sa Petrang Kabayo? “Ah… ano po ako doon, batang Vice Ganda.” Ah, hahahah! Pero enjoy ka naman du’n? “Enjoy naman po. Ah, medyo hindi naman po nahirapan ‘yung director sa pagpapa-acting po sa akin.”
Ah, oo, parang napanood ko nga ‘yun eh, ikaw pala ‘yun? “Ah, hahahaha! Opo, medyo nakakahiya po.” Weh, ‘di nga? Siya kasi ang batang bading na si Pedro sa pelikulang Petrang Kabayo, na ‘nung lumaki ay si Vice Ganda.
Hindi ka ba apektado du’n sa apelyido mong Makisig? “Ah, Morales po apelyido ko.” Eh, bakit naging Makisig? “Eh, kasi gusto ni Daddy parang maka-Pilipinong pangalan. So bale, Makisig, Mayumi, Maliksi, Maaya.”
Ah, akala ko makisig kasi ‘yung katawan mo. Heheh! “Ah, hindi naman po.” Ah pero, pwede kang mag-body build. “Ay opo.” Well, nice! “Ah, medyo kaka-start ko lang po.” Ay oo, para sabihin na si Makisig, makisig talaga.
So, ano’ng gusto mo sakaling gawin sa pelikula? Comedy, action o drama? “Lahat po gusto kong i-try.” Kasi, sa tingin ko p’wede siyang maging comedian! “Ah, talaga? Eh, wala naman pong problema sa akin kahit ano.”
Ang importante, lagi kang nakasalang sa mga project. Mapili ka rin ba sa mga project? “Ah, hindi naman po.”
Pero ngayon, sa tingin mo, sinong mga crush-crush mo sa Channel 2. Ah, sabihin mo na, ‘wag ka nang mahiya. “Crush? Wala pa po akong crush.” Oh? Ang gaganda ng nandu’n eh, crush lang naman. “Sino ba?”Ah, ‘yung malapit sa puso mo o sa isip mo? “Crush lang ha?!” Crush lang. P’wede naman ‘pag gusto mo eh, ‘di tuluyan mo. “Hahhahaha! Ah, ang crush ko pa rin po eh, si Kathryn Bernardo po. Kilala n’yo yun?”
Aha, ang galing non! “Kasama ko po siya dati sa Super Inggo, eh!” Alam n’ya, hindi pa? “Alam niya pero friends kami ngayon.” Nakakahalata ‘sya? “Opo, heheh!” Pero patay malisya siya at inamin naman niya. Saka ilang taon ka na? “Ah, 15 pa lang po. Saka studies muna. Projects po muna.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For email: [email protected], [email protected] cp#09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia