FOR SURE, magiging masaya na naman ang mga maliliit na trabahador sa industriya ng pelikulang Pilipino sa muling pagbabalik aktibo ng Imus Productions sa paggawa ng pelikula.
Sa unang sigwa ng Imus Productions after years of being inactive sa showbiz, tatlo sa mga Revilla Brothers ang muling bubulaga sa action-packed trilogy na pelikulang Tres kung saan sina Luigi, Bryan at Jolo ay mayroon kanya-kanyang episodes.
Si Luigi ay sa ‘Amats’ at si Jolo naman ay sa ‘72 Hours’ both directed by Dondon Santos and last but not the least ay ang episode ni Bryan na pinamagatang ‘Virgo’ na dinirek naman ni Richard Somes.
Sa short tsikahan namin with Bryan yesterday, Tuesday sa kabila ng malakas na buhos ng ulan na naging cause ng traffic, ay kinunsulta niya sa ama ang tungkol sa concept niya for a movie.
”Nag-pitch ako kay Papa ng concept ko hanggang sa lumaki na ang project,” panimula niya.
Dati na umaarte sa harap ng kamera si Bryan. Kasama siya sa mga serye ng GMA-Kapuso Network but he decided to stop sa kalagitnaan ng kanyang career. “I concentrated sa studies sa Benilde,” sabi ni Bryan na ngayon ay nagtapos ng kurso on consular affairs (or something) na parang ang end result ng course niya ay pwede siya maging consular attaché and mag-work sa ibang bansa.
“At first I was planning to take up-law,” sabi niya.
Pero based sa paguusap namin (mabait at smarte siya for me); tila mas mahihilig siya ngayon sa pag-arte, lalo pa’t aktibo na ang produksyon nila na sinimulan ng lolo niya na dating senador na si Sen. Ramon Revilla Sr. noon. Remember movies like Nardong Putik?
Magaganda ang concept ni Bryan sa mga susunod niyang projects in the future. Mala-Godfather, Scarface and peg niya na type of action film na iba ang timpla na hindi de-kahon na pelikulang aksyon na malamang ay mapapanood natin sa nalalapit na panahon after Tres..
Reyted K
By RK Villacorta