LAST WEEK, I got a missed call from ABS-CBN CorpComm head Mr. Bong Osorio. Sigurado ako that it was not a response to a call I initiated (where napindot ko by accident ang kanyang mobile phone number) dahil I’ve lived for the longest time on a gaan-text-strictly-no-calls load at its cheapest cost, imagine?!
Immediately, tinext ko si Sir Bong kung bakit siya tumawag, I yielded no reply. Instantly, my “persecution complex” got the better of me: Could I have written an anti-ABS-CBN article dito sa Pinoy Parazzi that may have displeased the network’s respected PR guy? All I knew, isinulat ko lang na huwag na sanang nakikialam si Sharon Cuneta sa mga usaping pulitika lalo’t isinusulong niya ang Senate Presidency ng kanyang kabiyak na si Senator Kiko Pangilinan.
May kaugnayan kaya ang aking item na ‘yon sa pagtawag ni Sir Bong? Anyway, ang petsa kung kailan nalathala ang aking artikulo was the same day when the tabloids bannered na umatras na si Kiko. In effect, Kiko’s withdrawal rendered his wife Sharon’s sama ng loob towards her uncle Senator Tito Sotto nothing but a plea that had gone stet.
Sharon should take it from her Tita Helen Gamboa, Tito Sotto’s wife, na hindi raw nanghihimasok sa political career ng kanyang asawa. After all, sila-sila pa rin daw ang magkakadugo, politics or no politics.
Again, clueless pa rin ako if Sir Bong Osorio’s call that I failed to pick up last week had anything to do with my item on Sharon. Mukha namang walang relasyon, as I know for a fact that more than Sharon, ang pinaka-concern ngayon ng istasyon ay ang kaso ni Willie Revillame, whose supporters’ calls for his reinstatement have finally found a bitter answer.
BLIND ITEM: HERE’S hoping na mag-click ang bagong programang pinagsasamahan ngayon ng dating magkasintahan. I shall assign fruits equivalent to their names.
Maikli pero papunta na sa seryosong relasyon ang namagitan kina Rambutan at Kaimito. Kilalang maginoo at marespeto sa mga kababaihan si Rambutan, “Ma’am” pa nga kung tawagin niya ang mga babaeng bumihag sa kanyang puso noon, isa na rito si Singkamas.
Hindi naman kasi mahirap mapaibig ni Rambutan, may kung anong katangian itong mahirap maipaliwanag. Kaya nga kahit sosyalera’t edukadang si Kaimito ay narahuyo rin sa kanya. Pero sa loob ng kanilang relasyon, puro date lang ang namagitan sa kanila, walang sekswal na kontak. Ganu’n kung pahalagaan ni Kaimito ang kanyang pagkabirhen.
Kaso, naloka si Rambutan nang masungkit ng ibang aktor si Kaimito, tawagin na lang natin siyang Patola (teka, prutas at hindi gulay ang pinag-uusapan dito, ‘no! Pero ga-patola raw ang haba ng kargada nito), este, Papaya na lang. Isinuko ni Kaimito ang kanyang virginity kay Papaya, dahilan para literal na magpaputok ng baril si Rambutan sa naudlot niyang pagka-devirginize kay Kaimito.
Like a row of fruit stalls in San Andres Market, magkasama na sa isang programa sina Rambutan at Kaimito, but this time, natuyuan na sila ng dakta. Kahit hiwalay na si Kaimito kay Jackfruit, at meron pang Melon at Rambutan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III