BLIND ITEM: Gano’n nga yata talaga ‘pag walang masyadong raket ang ilang artista, lalo na ‘pag mga actors na may hitsura – nagpapa-book na lang sa mga bading.
Hindi namin ito kinokondena, ha? Diskarte nila sa buhay ‘yan. Kung ang pagpapahada for a fee ang naisip nilang paraan para tuloy lang ang buhay nila’t matugunan ang kanilang mga luho at pangangailangan sa buhay, eh, sino naman tayo para humusga?
Nabanggit namin ito, kasi, merong isang aktor na baluktot ang dila (mamili na kayo kung sa Tagalog o sa Ingles) ang minsang nai-book ng kaibigan namin. Ang sabi pa niya sa bading friend namin, P60k talaga siya, pero sige, P50k na lang.
“Hay, naku…in fairness, gusto ko lang namang matikman ang lolo mo, kaya nagtapon na ako ng 50k. Okay naman na. Pero para ulitin? Hindi na rin. Una, mahal. Pangalawa, hindi naman masyadong gumagawa in bed, eh.
“Kung sa laki ng notes, malaki talaga. Dyinurangga niya ako nang bongga, pero may condom naman. Hindi naman siya good kisser din. Basta ang trip niya, sipsip-sipsipin ko ang utong niya, du’n siya napapahalinghing!”
‘Eto na ang siste, “Nangungulet, ‘teh! Deadma na! Very 50k ulit ‘yon, ayoko na. Basta tatarget naman ako ng iba!”
Hay, naku…. makalipad na nga para mas mahulaan ko kung sino ito. Ayaw ni Ms. Ipokrita ng ganyan.
TUMAWAG KAMI KAY Laguna Gov. ER Ejercito para magpasalamat sa kanya, dahil sa kabila ng tagumpay niya sa politics, hinding-hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga movie press na minsan isang panahon ay naging bahagi ng buhay nila ng misis niyang si Pagsanjan, Laguna Mayor Maita Sanchez.
Ang pambato ngayon ng Laguna bilang isa sa kanilang tourist spots ay ang Laguna Lake na talagang nandu’n ang pagnanais ni Gov na mapaganda ito. Kahit ang dinadayong Pagsanjan Falls, sobrang alaga rin ni Mayora.
In fairness, nu’ng umupo si Gov. ER eh, magaganda ang aming naririnig na feedback sa kanyang performances. May bahay kami sa San Pedro, Laguna at doon pa nakatira ang ilan naming kaanak.
Mas gusto raw nila ito kesa sa dating nakaupo.
Anyway, mga guwapo ang tatlong anak nina mayora at gob, ha? Artistahin, lalo na si Jerico na ang mukha ay Ejercito na Ejercito. At gusto rin ni ER na mag-artista ang mga anak. Why not?
Napakahusay na kontrabida ni ER, malamang, may pinagmanahan ang mga ito.
LOOKING FORWARD DIN kami palagi sa annual thanksgiving ng PPL Entertainment ni kaibigang Perry Lansigan, manager nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, Carl Guevarra at iba pa.
Kahit taga-Siyete lahat ang mga alaga ni Perry at kami’y lehitimong taga-Dos, hindi pa rin niya kami nakakalimutang imbitahan. Ke manalo sa raffle o matalo, masaya na kami na lagi kaming naalala ni Perry. Salamat, kapatid!
SA TOTOO LANG, ang daming Christmas parties ngayon para sa mga movie press. Alam n’yo, wala naman kasing bonus ang mga kasama sa hanapbuhay. Wala ring 13th month pay, kaya ‘yung mga ganitong pagkakataon, sinasamantala na namin.
Kaso nga lang, totoong we cannot please everybody. Ba’t gano’n? May mga kasamang naimbita na, nabigyan na, pero nagagalit dahil hindi nabunot sa raffle ang kanilang pangalan?
Na nagbabanta pang titira-tirahin sa kanilang column ang nagpa-Christmas party, porke ang mga nabunot sa raffle ay hindi masyadong aktibo sa pagsusulat?
Nakakalungkot, kasi, tumanda na sila sa industriyang ito, parang hindi pa rin sila naggo-grow? Ipinapanakot pa rin nila (hindi ko po nilalahat, ha?) ang kanilang kolum.
Juice ko, mga kapatid, grow up! Hindi na kayo bata. Hindi na rin tayo dapat masyadong magmalaki, dahil may mga social networking sites nang pinagkukunan ng balita tungkol sa mga artista na dapat nating ikatakot, dahil baka “matabunan” na ang mga pagsusulat natin.
Pasko naman, baka puwedeng ‘pag sumasapit ang Disyembre, maging mabait muna, ‘di ba?
Hay, naku… Dani, itanong mo sa akin kung sinu-sino sila.
Oh My G!
by Ogie Diaz