BLIND ITEM: DISAPPOINTED ang production staff ng isang programang sa kinuha nitong male host, kapos kasi ang performance nito tulad ng inaasahan. Kung tututukan n’yo ang kanyang show (whose format has something to do with one’s palate). Kapansin-pansin na binawasan na ang kanyang mga spiels.
Kunsabagay, hindi naman kasi pagho-host ng isang TV show ang forte ng personalidad na ‘yon. First and foremost, isa siyang aktor na manaka-nakang nabibigyan ng mga directorial assignments.
‘Ika nga, wala siyang binatbat sa kanyang misis, na bukod sa mahusay sa pag-arte ay nahasa na rin sa hosting job. Naalala tuloy namin ang pabirong paalala pa ng kanyang maybahay nang tanggapin ng actor-host ang trabahong ‘yon: “Huwag kang tatanga-tanga, ha?!”
Sadly, the faithful husband lacks the virtue of obedience.
YES, MGA GILIW naming mambabasa, hindi lang “magbloid” ang Pinoy Parazzi, but it’s now an online talkshow that comes to you live!
Naging bahagi ang inyong lingkod sa ini-launch na pilot episode nito noong Biyernes, kasama ang main host nitong si Faith Salazar with blogger Jeric Peña. Naatasan po akong maging blind item segment host, na nakisawsaw rin sa opinion-based segment na tumatalakay patikular na sa isyung kinapapalooban ni Willie Revillame.
Pinoy Parazzi Live airs from 3-4 p.m. every Friday, kung saan binibigyang-daan ang mga online comments from its viewers. Kumbaga, mas interactive ang talakayan dahil maging ang mga manonood ay nakikisali rin sa pahulaan sa mga blind items. Kaya ugaliing tumutok sa Pinoy Parazzi Live via its website http://www.flippish.com/pinoyparazzi.
Mind you, it’s the first ever showbiz-oriented online show to whet your appetite for the latest, hottest and juiciest showbiz tsismis!
SPEAKING OF PINOY Parazzi Live, naging panauhin sa pilot episode nito ang sikat na komedyante at jock na si Tado. Having shopped for his children’s school needs in Cubao, Tado made it in the nick of time.
In a way, I plead guilty to the oversight. Ang inyong lingkod po kasi ang writer assigned to do Startalk’s feature on celebrities who ran and won nitong May 2010 elections, ewan kung bakit wala sa aking research ang tungkol sa pakikipagsapalaran din ni Tado bilang independent councilor in Marikina City.
Tado lost, pero hindi naman daw nalalayo ang kanyang ranking sa mga pinalad maging konsehal sa kanilang lugar. Not bad, to think na wala siyang partido.
“’Yung dalawa kasing partido na gustong kumuha sa akin, eh, mga kaibigan ko. Para wala na lang samaan ng loob, tumakbo akong independent,” sabi ni Tado. But there was a more revealing part in his anecdote. “Alam mo bang kami lang ng asawa ko ang nangangampanya? Wala akong tarpaulin wala akong miting de avance, wala akong bigay-bigay na datung. Ang nagastos ko lang, eh, P200! Pero okey lang kung natalo ako, kumbaga, nagpakilala lang muna ako sa mga tao. I know better next time,” may pag-asang sabi ng “best friend” ni Vice Ganda.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III