BLIND ITEM: ‘KABALIW ang ‘drama’ ng discreet director na ito dahil kamakailan lang ay binilhan niya ng isang kotse na milyones ang halaga ang isang guwapong aktor.
Hindi kami sure kung may ‘kapalit’ ang regalong ‘yun ni Direk sa aktor na naidirek na rin naman niya noon. Mismong nagtatrabaho sa branch ng mamaha-ling karu ang nagtsika sa aming source nito.
Wiz na namin babanggitin ang brand ng more than a million worth na luxury car, dahil baka mamaya, hindi na nito dalhin ang expensive car sa network na kinabibilangan niya, kung saan siya may regular show, at pagtakhan siya kung sino ang “benefactor” ng naturang kotse.
Pero ang nakaka-tumbling ay ang pagkumpirma ng source na ipinangalan daw sa aktor ang binilhing kotse and “cold cash” ang ipinambayad, huh!
Si Aktor ay hindi na kabataan, at hindi pa rin naman ganoon katanda, at napapanood sa isang malaking TV network. Si Direk ay isang award-winning film director.
Makarating din kaya sa ibang bansa ang chismax na ito?
HINDI LAMANG ISA, kundi dalawa ang pelikula ni Glaiza de Castro na official entries sa forthcoming na Cinemalaya Independent Film Festival 2011 na gaganapin sa July sa CCP Theaters in Roxas Blvd., Manila.
Una ay ang Patikul ni Direk Joel Lamangan, kung saan kasama ni Glaiza sina Marvin Agustin, Allen Dizon, Ciara Sotto, Dimples Romana, at ang child actors na sina Angelli Nicole Sanoy (na tulad ni Glaiza ay alaga na ni Manny Valera, at kasama nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa upcoming na Magic Palayok ng GMA-7) at Martin delos Santos (na alaga naman ni Direk Maryo J. delos Reyes).
Ikalawa ay ang E-Libings ni Direk Rommel Sales na co-star naman ni Glaiza sina Ricky Davao, Alwyn Uytingco, Regine Angeles, Louella de Cordova, at Marc Abaya.
Ang Patikul na tungkol sa illeteracy at terrorism sa South ay pasok sa limang Directors’ Showcase category ng Cinemalaya (kategorya kunsaan naka-more than three films na ang isang direktor), samantalang ang E-Libings ay nasa sampung entries naman sa New Breed category na mga first time-directors or nakakadalawang movies pa lamang.
Unang napansin ang kahusayan ni Glaiza sa big screen via a Cinemalaya entry rin niya a couple of years ago, sa Still Life ni Direk Katski Flores kunsaan hindi lamang sa Cinemalaya siya na-nominate bilang Best Actress kundi pati na sa Gawad Urian for the same film. Napansin rin si Glaiza sa Astig, isa pang Cinemalaya entry two years ago.
Sa telebisyon naman ay hataw rin si Glaiza dahil naging big hit ang kanyang Grazilda telefantasya last year sa Kapuso network at hindi lamang ito one season tumagal kundi two seasons dahil umarangkada sa ratings.
Pasok din si Glaiza sa Amaya, ang epicserye ng GMA-7 with Marian Rivera, and Sid Lucero, among others.
ANG YOUNG ACTOR na si Ahron Villena ay galing sa ABS-CBN, bago pa nakilala ng televiewers bilang isa sa castaways ng Survivor Philippines: The Celebrity Showdown ng kalabang GMA-7.
Noong nasa ABS-CBN pa si Ahron ay sa smorgasbord shows lang siya napasama, maging sa Star Cinema movies, pero malaki ang utang na loob niya sa Kapamilya network. Hindi rin naman ikinakaila ni Ahron na nakatulong sa kanya nang malaki ang exposure sa Survivor ng Siyete, kaya nagpapasalamat ito sa istasyon in getting him.
Ngayo’y balik-ABS-CBN na si Ahron via Mutya na humahataw rin sa ratings. Ayon sa kanyang manager na si Arnold Vegafria, wala naman daw conflict with GMA-7 dahil for drama department ay walang contract ang alaga sa Kapuso.
Ang Survivor ay pasok sa reality show department. As for Ahron, happy ito dahil nakakapagtrabaho siya in any networks dahil sa ngayon ay wala pa naman itong pinipirmahang exclusive network contract.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro