HINDI NAMAN ITO isyung kurakot, kundi malanding pangungurot at paglapirot ng isang aktresan-aktresan sa isang matinee idol.
Sa taping na napasyalan ng aming source, nagulat at halos maeskandalo ito sa nasaksihan niyang kalandian ng aktres-aktresan na ito. Paano kasi, hindi lang simpleng paglamas at paghaplos ang ginawa nito sa dibdib ng matinee idol kundi talagang “pinisil-pisil at nilapirot’ diumano nito ang “nipple” ni matinee idol.
Nagulat man daw ang matinee idol, ngumiti na lang ito sa inasal ng kasama sa soap, though kitang-kita daw sa ekspresyon ng mukha nito ang pagka-inis.
“Hindi pa ba nakuntento sa bf niya iyang si…,” tanong ng aming source. Ibang klase rin naman ang trip ng babaeng ito, ‘di ba?
Hindi yata kaiga-igaya ‘yun ah!
by Ambet Nabus