BLIND ITEM: TRUE ba ‘to? Na ngayong hiwalay na sa guwapong mister ang isang aktres ay meron ngayong bago ang aktres.
No, hindi lalaki, kundi babae. Tomboy nga ang current dyowa ng lola n’yo. Hindi pa malinaw ang detalye, basta ‘yun lang ang kuwento sa amin.
Eh, ‘di tomboy na rin pala ang aktres, gano’n ba?
Pssst! Naku, teka, ilihim muna niya ito sa kanyang dyunakis, baka mabukelya.
Clue? Well, hindi muna namin siya huhusgahan o hindi muna namin paniniwalaan ang chika. Pero kung totoo, hindi kami dapat “mainggit” sa kanyang initials.
Me gano’n?
SANA, HINDI MUNA hinusgahan ni Tita Swarding si Vice Ganda na siyang nagpatanggal sa kanya sa Petrang Kabayo, tulad ng claim niya.
Ni hindi alam ni Vice na kasali siya, paano siyang ipatatanggal ni Vice? Kausapin niya ang nagrekomenda sa kanyang si Mel del Rosario (ang scriptwriter), ito mismo ang hindi siya makontak, dahil magsu-shooting na siya, pero hindi siya makontak.
Hindi rin totoong kami ang pumalit sa kanyang role porke kami ang manager. Ni hindi nga namin ipiniprisinta ang aming sarili, eh.
Ang ipinalit sa role niya ni Direk Wenn Deramas ay si Ricky Rivero. “Hindi talaga siya makontak, Ogs,” sey ni Direk. “Eh, kesa mabitin ang shooting, kailangan na naming kumuha ng iba, ‘di ba?”
Para pa nga raw napahiya pa si Mel, dahil ito raw ang nagrekomenda talaga ke Tita Swarding, pero ito mismo ang nagdayalog na, “Hindi ko makontak, eh. Nakatira yata si Tita Swarding sa ilalim ng lupa, eh!”
Isang patotoo na hindi talaga makontak si Tita Swarding ay kami. Dalawang beses na kaming tumatawag sa kanya. Nagri-ring lang at hindi niya sinasagot.
Tapos, iba na naman ang kuwento, gano’n?
Buti na lang, bukod sa talent manager kami, eh, nagsusulat pa rin kami. Sa totoo lang sana tayo.
BINIGYAN NA NG chance sa Maalaala Mo Kaya, pero wala pa rin. Sayang si Cogie Domingo. Break na niya ‘yon bilang isang ama nu’ng Father’s Day presentation, pero hindi niya nabigyan ng justice ang role.
Hindi OA, pero kulang ang akting at hindi maramdaman kay Cogie ang pagiging isang ama. Sana ay ‘yung totoong ama like Piolo Pascual o Jericho Rosales ang kinuha.
Kung mahusay lang doon si Cogie, eh ‘di sana, nasundan na ‘yon, ‘di ba?
Oh My G!
by Ogie Diaz