MATAGUMPAY ANG IDINAOS na induction ng mga bagong halal na officers ng ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. na pinamumunuan ngayon ni Jun Nardo, kung saan ang Megastar na si Sharon Cuneta ang nagsilbing inducting officer.
Ginawang kontrobersiyal ng mga nagpakilalang Vilmanians sila sa pamamagitan ng mga e-mail nilang naglalaman ng mga paninira sa nasabing samahan kay Mario Bautista. Pero wala kaming keber (yours truly is a Board Member) sa pagkiyaw-kiyaw nila. At inilabas nga namin dito ang mga mensahe nila para sa amin. Nang lumabas pa lang ang nasabing isyu rito, saka pa lang nag-react ang kilala naming President ng fan club ng Star For All Seasons na si Jojo Lim. Actually, ipinagtanong pa nito sa members ng ENPRESS ang cell phone number ko, samantalang nakalagay siya sa list ko in my phone book dahil every time na may kailangan silang ipasulat sa kanilang idolo eh, ke dali kaming nakakalampag ng Jojo na ito. Nagkiyeme-kiyeme pang hinahanap ang number namin tungkol daw sa naisulat namin dito about his Vilmanians.
Finally, nahanap ni Jojo ang number naming meron naman siya at ito ang ipinadala niya sa aming cell phone:
“Gud eve Pilar, c jojo lim ito pres. Ng Vilamian, nalaman ko yung cnulat mo sa pinoy parazzikasi col c Ronnie carascco mga 1:20 pm kanina andon cya radio showbiz tweets & interview ako about write up mo. Sori pilar pero walang kinalaman ang grupo naming sa nagemail kay Mario. Matagal na kaming kilala ni Sharon at ng sharonians at suportahan kami, nagkita kami nila Sharon sa kapitolyo ng batangas ng mag oath aking cla Vi and Ralph sa liberal party. Pacensia sa inyo at kung vilmanian talaga gumawa non pero hindi kami yon. Kagaya nong araw ng manalo at nag tie sa famas can Sharon at nora at vilmanians pinagbintangan nag boo kay Sharon, si Sharon pa nagtanggol sa amin na magkakilala sharonians and vilmanians at magkakatabi kami noong awards nite. Tnx and God Bless.”
Ang masasabi ko? Kung Presidente ka ng Vilmanians at may ganitong mga nangyayari, suhetuhin mo ang mga miyembro mo. Dahil kahit na marami ang iba’t ibang fan clubs ni Vilma, ikaw ang on top of them all. Alamin mo sa iba’t ibang mga Presidente n’yo ang gumagawa ng ganitong mga isyu at tanggalin n’yo sa samahan n’yo. Kasi, hindi lang naman isang e-mail ‘yun, may mga kasunod at sumusunod pa. Hindi puwedeng hindi ko patulan. Dahil kredibilidad namin ang sinisira ng mga Vilmanian mo.
HINDI NAMAN KAMI maniwala sa nasagap naming tsika na muli na namang nabuo ang tampo ng isang aktres sa kanyang amang nasa showbiz din.
Kahit nagkaayos na nga ang mag-ama dahil meron na rin namang sariling buhay ang aktres, hindi na nga ito madalas na lumapit sa kanyang ama for financial support.
Ayon sa mga nakarating na kuwento sa amin, bago raw kasi bigyan ng suporta ng kanyang ama ang aktres, talagang pinadaraan pa ito sa butas ng karayom para lang maibigay sa kanya ang kailangan niya.
Base sa ikinuwento sa amin, ang naging tingin lang namin sa nasabing tatay eh, parang isang mahirap na tao ang kanyang anak na kailangan pang panalunan ang kanyang suporta na para bang nasa isang game show siya. Wow! Kaloka, ito, ha?
The Pillar
by Pilar Mateo