@font-face { font-family: “MS 明朝”; }@font-face { font-family: “Cambria Math”; }@font-face { font-family: “Calibri”; }p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal { margin: 0cm 0cm 10pt; line-height: 115%; font-size: 11pt; font-family: Calibri; }.MsoChpDefault { font-size: 11pt; font-family: Calibri; }.MsoPapDefault { margin-bottom: 10pt; line-height: 115%; }div.WordSection1 { page: WordSection1; }
SI PO2 MIKE Soriano ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sampu ng ilan niyang mga kasamahan sa Station 11 ng QCPD ay sertipikadong mga pulis patolang miyembro ng akyat-bahay gang.
Noong May 6, Biyernes, bandang alas-sais ng gabi, nabulabog si Rezellyn Peralta nang biglang pasukin ang kanyang bahay sa Barangay Manresa, Quezon City ng limang armadong kalalakihan habang siya ay naliligo.
Pinasok ng grupo ang banyo. Suwerteng mabilis namang nakapagtapis ng tuwalya si Rezellyn. Nagpakilalang pulis ang mga lalaki at sinabihan si Rezellyn na nagsasagawa sila ng raid sa kanyang bahay dahil may nakapagsabi sa kanilang pusher daw siya.
Pumalag si Rezellyn at nagsisisigaw sa galit. Pero ‘di umubra ang kanyang pag-ieskandalo dahil pinagtulungan siyang bitbitin ng mga pulis papunta sa kanilang sasakyan at sinabihang dadalhin siya sa presinto. Nakiusap si Rezellyn na kung maaari ay makapagbihis man lamang siya. ‘Di pumayag ang mga pulis.
Dinala nila si Rezellyn sa presinto nang nakatapis lamang ng tuwalya. Pagdating ng presinto, pinaghubo’t hubad siya. Bagamat walang nakuhang shabu sa bahay ni Rezellyn at maging sa kanyang katawan, binantaan siya ng mga pulis na dadalhin sa piskalya at ire-recommend nila ang no bail daw para sa kanya.
Pero puwede naman daw pag-usapan. Kailangan daw tawagan ni Rezellyn ang isang kamag-anak para makipag-usap sa kanila. Nakausap ng mga pulis – isa sa kanila ay nakilalang si PO2 Mike Soriano – si Jeremias, kapatid ni Rezellyn at inutusan itong pumunta ng presinto.
Pagdating ng presinto, iprinisinta ng grupo ni Soriano kay Jeremias ang sari-saring sachet ng shabu, paraphernalia at mga dahon ng marijuana. Iyon daw ang ipapakitang ebidensiya sa inquest fiscal laban kay Rezellyn. Sa madaling salita, nagkatawaran, hanggang sa napagkasunduang magbibi-gay si Jeremias ng P23,000 sa mga pulis kapalit ng kalayaan ni Rezellyn. At nang makapag-produce ng hinihinging pera, agad ding pinakawalan si Rezellyn.
Sa ginawang pag-iimbestiga ng WANTED SA RADYO, napag-alamang tumawid-teritoryo ang grupo ni Soriano. Ang nakakasakop sa area nina Rezellyn ay Station 1 at hindi ang Station 11. Bukod dito, lumitaw rin na walang ginawang coordination ang Station 11 SAID sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Camp Karingal at sa Station 1, na isang SOP kapag kinailangang tumawid ng teritoryo ang SAID dahil sa isang buy-bust o follow-up operation halimbawa.
Hindi rin inimpormahan ng grupo ni PO2 Soriano ang PDEA sa isinagawa nilang raid sa bahay ni Rezellyn na isa pa ring SOP. Wala rin silang ginawang pakikipag-ugnayan sa barangay. At higit sa lahat, bago at pagkatapos nilang maisagawa ang raid, hindi nila ito ipinagbigay-alam sa kanilang station commander at hindi rin nila inilagay sa blotter ang nangyaring raid. Wala rin dalang search warrant ang grupo. Maliwanag talaga na mga miyembro ng akyat-bahay gang ang grupo ni Soriano.
Ang WANTED SA RADYO ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00¬-4:00 pm. Kasabay na napapanood din ito sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Sky Cable ito ay nasa Channel 61. Sa Cignal, ito ay nasa Channel 1 at Channel 7 naman sa Destiny.
Shooting Range
Raffy Tulfo