ISANG KILALANG artist na ipinanganak sa Hagonoy, Bulacan si Al Perez. Nagtapos ito noong 1968 sa University of Santo Tomas sa kursong Fine Arts. Para lalong tumingkad ang kanyang career sa arte, ipinagpatuloy niya ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa The Artist League of New York U.S.A. noong 1984 at sa School of Usual Act New York, U.S.A. noong 1996.
Dahil dito, ang kanyang pagiging alagad ng sining bilang isang pintor sa mga paglalakbay sa iba’t ibang bansa, kanyang ipinakita ang kagandahan ng kanyang mga obra sa pamamagitan kanyang pagiging representative ng ating bansang Pilipinas. Ang kanyang mga likha ay hinangaan katulad ng kanyang mga obrang may mga romantikong paghagod ng brush sa kanyang mga ‘nude’ na babae, ‘flowers’, still life, mga ‘rural scenes’ ng Pilipinas, subalit mas kilala siya sa paggawa ng mga simbahan.
Sa husay ni Al Perez, naging representative siya ng ating bansa sa Philippine Trade Center sa New York at San Francisco sa Amerika noong 1984, sa Cuban Biennale sa Havana noong 1986, at sa Singapore International Festival of Arts noong 1988. Dahil sa pagiging aktibo sa sining, nagkaroon ng isang matagumpay na pagtatanghal si Al Perez sa Dubai, United Arab Emirates noong 1987. Matapos noon, nakasama siya bilang isa sa delegado sa China upang masdan ang mga pamamaraan sa mga art galleries at museums doon. Taong 1989, nakasama siya sa First Filipino Visual Arts Festival Exhibit sa San Francisco, U.S.A. kasunod sa Takatsuki, Yokohama, Japan. Noong 1992, naging bahagi din siya ng ASEAN promotional exhibit sa Hudson Bay sa Toronto, Canada at sa International Water Color Exhibit sa Kashion, Taiwan. Ang mga kasunod naman niyang solo exhibit at sa Philippine Center sa New York at sa Rizal Center sa Chicago, Ilinois, U.S.A.
Nakasama ko si Al Perez sa ilang exhibit. Ang isa rito ay sa Philamlife sa U.N. Avenue, Manila noon para sa group art exhibit ng The First Filipino Good Samaritan Artist Foundation, na siya ko namang binuo bilang grupo ng mga pintor noong 80’s.
Katulad ng magaganda niyang obrang mga simbahan sa iba’t ibang bansa, kasama na nito ang kanyang kontribusyon sa pagbuo ng Tuesday Group, Hagonoy Group, at Lakas Sining ng Bulacan.
Matipid magsalita si Al Perez na may kaunti lang ngiti sa kanyang labi lalo na sa mga tanong na personal, pero handa naman siyang magbigay ng pahayag. Umpisahan natin ang kanyang mga sagot sa tanong nang makapanayam ko siya sa PortraAYAL (LAYA): Portraits for Freedom Art Exhibit na sinamahan ng mga kilalang mga artista sa pelikula at telebisyon na mga pintor din na ginanap sa SM Megamall.
Bale ano ang participation mo rito?
“Ang mga kasama ko rito ay…”
Mga kilalang pintor? “Ah, hindi….”
Mga… mga sikat? Ah, mga professional?
“Oo, tama ka. Ah ito, ang gawa ko rito ay tungkol sa paglaya.”
Ah, kumusta ‘yung pagiging artist natin, ang tagal nating hindi nagkita, ah.
“Ah ganu’n pa rin, simbahan pa rin ang ginagawa ko, saka marami akong group show. Hindi lang. Kung isasama ‘yung sa abroad marami talaga.”
Ah… lamang ka sa akin, kasi namahinga kasi ako, eh. Ang tagal kong nawala.
“Pero ‘yung anak mo, lagi kong nakikita.”
Oo nga. Ang tinutukoy niya ang aking anak na painter at propesor ng Fine Arts.
“Pero ‘yun pa rin ang estilo mo?”
Oh, ‘di ba parang Van Gogh style ko. Pero Van-gutom ‘yun. Kaya lang nawawala ‘yung Orobia. So, ngayon ay ginawa ko, ‘yung estilo ko umiba. Iniba ko parang medyo modern. ‘Di ba ka-FB kita? ‘Di mo nakikita ‘yung gawa ko?
“Ah, nakikita ko.”
Ah, ‘yun ang latest na mga trabaho ko. Kaya ako tumutulong na lang para sa ikauunlad.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments: [email protected]; cel. no: 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia