K APAG MGA GUWAPO ang usapan at tipong ‘masculine’, maihahanay natin rito si Al Tantay, lalo
noong kanyang kapanahunan. Isang direktor, at dating miyembro ng Goin’ Bananas si Al. Sa ngayon nasa TV5 siya’t kasalukuyang direktor ng tatlong comedy shows. Nagkita na kami noon sa isang art exhibition at launching ng libro naming mga painters. Kalog siya pero kailangan medyo huhulihin mo muna ang kanyang ugali at ‘pag nakuha mo naman, sa tingin ko maganda siyang kausap at kaibigan. Actually,
habang nagsasaayos ng props ang mga crew sa set, bago pa nagsimula ang taping ng Hapi Together, ay nainterbyu ko siya. Kaya’t pagkakataon kong naitanong ang mga bagay tungkol sa pagiging direktor niya. Ano ba ang itatawag ko sa inyo? “Ah, kahit ano.” Ah, Direk Al, ‘yung Bad Bananas, kayo ‘yun? “Oo. Ako, si Christopher (de Leon), Jay (Ilagan), si Bobot Mortiz at si Johnny (Delgado).” Ano ang sikreto ninyo bakit hindi kayo tumatanda? “Abnormal ako, eh! Ha-ha. ‘Yung taong ‘di tumatanda, abnormal ‘yun, eh!” Aha-ha-hah! Ah, bilang direktor, ano ang sikreto ninyo? “Ah, siguro kasi dahil ang comedy kadalasan kalokohan. Kailangan mo rito ng luko-luko! Nagkataong luko-luko ako, eh.” Sa bagay tama ka d’yan, Direk. ‘Pag matino kang direktor, ‘di ka maaari sa comedy, sa drama ka lang. Ano ang lahi ninyo at mestiso kayo? “’Di ko alam, eh!”
Ah… basta na lang lumabas na may hitsura kang lalaki, ha-ha-ha! Hindi sa nang-iintriga, marami raw chicks ang direktor? “Hindi! Priority na sa akin iyong pamilya (seryoso siya sa sagot).
Ah, alam ng pamilya kong hindi ako nai-involve. Noong araw, ‘nung binata pa, siyempre… siguro.” Kahit kayo palabirong direktor at alam ninyo ang pasikut-sikot, gaano kayo kaistrikto o mapagbigay? “Ah,
kasi iba-iba iyong klase ng direktor. Ako, more sa creatives, du’n sa nilalaman ng show. Kasi bago ako nag-direktor, nag-writer muna ako. Sa laman mismo, sa material, kaya meron akong brainstorming kasama ng mga writers. Hindi basta taping, hindi lang coverage. ‘Pag comedy kasi, kailangang effort ng group. ‘Yung timing pinag-uusapan, kinakasa, hindi puwedeng maglarga lang. Naguusap-usap kami ng mga artista, hindi lang basta babasahin mo, mememoryahin mo, ganu’n-ganu’n. Usapan namin kung papano ibabato, papa’nong gagawin, papa’nong sasabihin. Minsan, maski pareho iyong ibig sasabihin, pero kung mali iyong term na ginamit na hindi nagra-rhyme, nababalewala iyong comedy.”
Wow! Iba talaga itong si Direk Al.
Ilan taon na kayo sa loob ng industriya? “Actually noong pumasok ako sa showbiz, 20 or 21 na ako. Nu’ng naging artista ako, naging interesado ako sa behind the camera kaya ako naging writer.”
Sixteen years na siyang direktor, ayon kay Direk Al, at photographer siya noon bago pumasok sa showbiz, kasi may mata siya sa kamera. Sabi nu’ng iba, ang Pinoy raw masayahin, pero mahirap
paniwalain sa comedy? “Ang Pinoy mahirap kumbinsihin, masyadong… ano ba’ng masasabi ko? Medyo wise ang Pinoy, eh. Kapag naunahan ka nilang mag-isip, hindi na ito tatawa sa ‘yo.”
Tinanong ko kung ano ang nasa isip niya habang siya ay nagpapahinga sa kanyang mga trabaho? “Halimbawa iyong pagkadire-diretso ng trabaho, hindi mo alam kung okey pa o hindi. Kasi hawak ko, tatlong comedy, baka magkahalo-halo iyong tema kaya iniiwasan ko iyon. Iba iyong sitcom sa gag
show. Dapat hiwa-hiwalay, may iba’t ibang atake. May division of labor na tinatawag. So kung anuman ang problema, merong departamentong dapat umayos. Kasi kapag inako mo lahat ‘yan, bilang direktor, masisira ang ulo mo. Paiinitin mo ang ulo ko d’yan, kaya maraming direktor na talagang nagsisisigaw.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia