Ala-Ala sa mga Yumaong Batikang Artista

ISANG MAGANDANG pag-alala sa larawang aking naipinta sa aking canvas. Kay Dolphy o Pidol na minsan ko nang pinasyalan sa kanyang studio dati sa Channel 5. Dahil alam niyang pinasyalan ko siya, bilang pagrespeto niya sa katulad ko lang bilang writer, pinapasyal niya ako sa kanyang mansion, at nang nagkita kami roon ay buong giliw na nagbibiro siya at nagkukuwento sa ‘kin tungkol sa kanyang buhay. Doon nagpayo pa siya sa akin.

Nainterbyu ko rin ang batikang aktor na si Mark Gil. Minsan pa nga na nagkita kami sa isang presscon ay ipinagmalaki pa niya ako sa kanyang mga kaibigang artista at sinabing ako raw ang kanyang guru at in some point sa interbyu ko sa kanya ay I’ve been an instrument for him to change his life for a better. Sayang at ‘di na kami muling nagkita pa. May sakit na pala si Mark. Malaman ko na lang, yumao na siya.

Si Mommy Elvie Villasabta na buong giliw ko ring nakakuwentuhan at nakita ko talaga kung papaano siya nagbibiro. Nanalangin ako na isa sila sa nagkaroon ng visa patungo roon kung saan sa piling ng ating Poong Maykapal. Narito ang mga bahagi ng interbyu sa kanila.

Dolphy-Maestro-OrobiaTITO DOLPHY HARI NG KOMEDYA

Friday, June 22, 2012

Nang nagkaharap kami Tito Dolphy tinuran ko sa kanya na ako ay nanalangin na lumakas pa siya.

“Basta kung ano ako noong araw, ganu’n pa rin ako ngayon. Madali akong lapitan, hindi ako suplado. Mukhang

suplado lang ako. Importante talaga iyong ‘wag kang malulunod sa tagumpay. Iniisip ko rin siyempre

iyong pagpanaw ko. Siyempre kasama ‘yan, eh. Isipin mo kung papaano iyong mga iiwanan mo. Kasama

na ‘yung legacy na maiiwan sa iyo. Pero actually, katulad ng sinasabi ko kanina, enjoy everyday and

make the most of it,” ani Tito Dolps.

GE DIGITAL CAMERAMARK GIL: FROM THE CLAN OF GIL, DE MESA AND EIGENMANN

Thursday, July 2, 2009

Nakalulungkot ang buhay ‘pag naalala mo ang minsan mong mga nakausap na tao, na malaman mo na lang sila ay isa na sa mga lumisan sa daigdig ng mga tao. Sino ang ‘di makakikilala sa kanya sa galing, lalo na noong kapanahunan nitong mga Gil at De Mesa? Matikas at matipuno itong si Mark Gil sa panahong 80’s at 90’s.

Panay ang bati ng, “Hi, Maestro!” Pagbibida sa akin ni Mark, “Actually, sorry, ha, maestro, your name is a name that I would always remember, kasi I had a golden retriever, regalo sa akin iyon ng dating husband ni Cherrie Gil, si Roni Rogoff, isa siyang master violinist kaya we named it “Maestro”. Kaya lang he died recently. That’s why I will not forget its name. And I think ikaw rin ‘yung artist na painter na lagi kong nababasa sa mga diyaryo.”

Wow nakilala rin pala ako sa art. Itong si Mark kaya pala lagi sa akin bumabati at nakangiti sa akin, dahil naaalala niya ang golden retriever niyang si “Maestro”, hahaha!

GEDSC DIGITAL CAMERAMOMMY ELVIE: MINSAN MA ISANG INA

Friday, June 10, 2011

PINASYALAN KO ANG low-profile na si Mommy Elvie Villasanta sa studio ng AV Productions sa Ortigas. Malinis siyang tingnan. Halata mong isang simpleng tao, pero matalas ang memorya. Alam ba ninyong sinaulo niya ang capital ng bawat bansa?

Hindi kaya pang-diabetes ‘yun? “Ah, hindi naman alam ng tiyan ko na may diabetes ako, eh. Alam ba ‘yun ng bituka ko? Siyempre hindi alam. Puwede siguro kapag walang nakatingin lalo na kung ang anak ko nandiyan. Ay, naku masarap! Lalo na ‘yung chicharong bulaklak. Ah, kasi naman pagkakuwan, kapag lechon, tinatakpan ko ng kanin. Hindi ho nakikita. Akala ho nila wala, pero kinakain ko.”

Kita ninyo na, ang kulit! Hahaha! Pero makikita mo sa kanya ang sincerity at pagiging caring kung kausap mo kahit mapagbiro.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. Email: orobia [email protected]; Cp. 09301457621

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 135 November 03 – 04, 2014
Next articleTrick or treat?

No posts to display