Alaala ni Lester

EWAN KUNG bakit biglang padpad sa alaala ko si Lester. Isang kaeskuwela sa Ateneo de San Pablo High School. Dekada ‘50. Mahigit nang 50 taong ‘di kami nagkita. Nu’ng aming graduation, siya ang katabi ko sa upuan. Gaya ng pagtatabi lagi namin sa klase mula first hanggang fourth year high school.

Si Lester ay payat, malalim ang mata at may pekas sa mukha. Siya ay taga-Tiaong, Quezon at araw-araw, biyahe siya at balik eskuwela mula Tiaong. Tuwing meryenda, magkasalo kami sa canteen. At ‘pag class mass, magkasama lagi kami.

Si Lester ay may pambihirang katalinuhan sa Mathematics, Physics at Trigonometry. Ang multiplication table ay nare-recite niya nang pabaligtad. Ang kanyang memorya sa figures ay kagila-gilalas. Dahil dito, binansagan siyang Einstein sa aming eskuwela.

Ulila sa magulang, si Lester ay pinalaki at pinag-aral ng kanyang magsasakang lolo at lola. Manukan, palaisdaan at kaunting niyugan ang kanilang ikinabubuhay.

Higit pa sa magkapatid ang aming turingan. ‘Pag weekends, dadayo ako sa Tiaong para mag-fishing kami ni Lester sa isang lawa. Pagkatapos, aakyat kami sa isang burol para manghuli ng paru-paro at tutubi. Nangangalog din kami ng puno ng mangga para sa salagubang. At bago umuwi, naliligo kami ng hubo’t hubad sa isang napakalinis na ilog.

May mga pantasya at pangarap din kaming laging binabalangkas. Gusto niyang maging engineer, maglibot sa buong mundo at magtayo ng malalaking gusali sa bansa. Ako naman ay isang manunulat at pintor. Mga pangarap na aming sinumpaan sa isa’t isa habang tinatahak namin ang takip-silim pauwi.

Nasaan na kaya si Lester? Kung buhay pa siya, maaaring edad 70 na siya kagaya ko. Minsan-minsan, napapanaginip ko rin siya.

SAMUT-SAMOT

 

FOR THE first time in history, over 200,000 media members in the country will be able to cast their votes early in the upcoming 2013 elections. Voting 5-1, the Comelec has granted a petition filed by media practitioners to accord them the same voting privileges enjoyed by soldiers, policemen and other government officers and employees performing government duties. The petition, which was filed in April, only covered voting for national posts.

MAGANDANG HAKBANG ang pagbabawas ng ‘di qualified party-list groups na lumahok sa 2013 eleksyon. Commendation is in order for Comelec chair Sixto Brillantes. Sa huling talaan, mahigit na 200 ang listed party-lists. Karamihan sa mga ito ay ‘di qualified dahil they do not represent marginalized groups. Kung babaguhin ang Constitution, ‘di kaya makabubuti kung alisin na ang party-list system?

PINAPURIHAN SI P-Noy ng maraming bansa sa buong mundo dahil sa peace talk agreement with the MILF. Lahat halos sektor ng bansa ay nagpahayag ng kagalakan sa agreement. Kung walang magiging balakid sa agreement ay maaaring magresulta ng permanent peace sa Mindanao. Solid achievement ito ng administrasyon ni P-Noy na dapat palakpakan.

SALAMAT NAHINTO na ang verbal war nina SP Juan Ponce Enrile at Sen. Tony Trillanes. Mas malaking suporta ang nakuha ni Enrile. Sobrang palaban at arogante si Sen. Trillanes na ikinayamot ng marami. Tama si Enrile na ‘di na lang siya pinatulan. ‘Ika nga sa boxing, no match or mismatched ang laban. Makakaapekto sa re-eleksyon ni Trillanes ang nangyari.

BAWAT MAKAUSAP kong senior citizens, paggising ng napakaaga ang inirereklamo. Bukod dito, kulang sa tulog ang karamihan sa kanila. Hindi sila nag-iisa. Mahigit lang 4-5 oras ang tulog ko gabi-gabi. Bawas pa rito ang malimit na pagtungo sa banyo at lalong kulang ang tulog ko. Sabi ng manggagamot, kasama raw ito sa pagtanda. ‘Wag mag-depende sa sleeping pills.

REKLAMO RIN ng maraming senior citizens ay ang pagkamalilimutin. Sinabi ko. Madalas kong makalimutan ako’y makainom ng gamot sa takdang oras. Dapat may magpa-alala kundi uulit ako. Marami akong ‘di matandaang pangalan. Ngunit ang mga nangyari sa aking kabataan ang automatic na naalala ko nang malinaw.

PAGKATAPOS NG ilang pag-ulan, heto na naman ang lubak-lubak na kalsada sa Kamaynilaan. Ang alam k,o karamihan sa mga ito ay ka-aaspalto pa lang at kinapalan pa nga ng DPWH ang naturang mga daan. Subalit sa kabila nito, ang ilan sa mga ito ay tadtad na naman ng lubak at tuloy nagpapa-traffic. Gaano katibay ang pagkakaaspalto ng mga ito ng naturang ahensya? ‘Di kaya ito tinipid? Sayang lang ang nagugol na budget kung sub-standard naman ang ginamit na aspalto.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleHuman Trafficking at Kahirapan
Next articleMatagal Nang Hiwalay, Gustong Pakasalan Ang Bagong Minamahal

No posts to display