IBA’T IBA ang reaksyon ngayon ng netizen sa social media pagkatapos humingi ng apology ni Xian Lim sa Albayanos at kay Gov. Joey Salceda. Karamihan sa mga nababasa namin ngayon ay galit at imbiyerna kay Gov. Salceda. Ang reaksyon nila, masyado raw OA (over acting) at exaggerated ang reaksyon ng gobernador sa hindi pagsusuot ni Xian ng T-shirt na ipino-promote ang Albay.
May mga negative comments din about Xian, pero karamihan ay si Gov. Salceda na ang tinitira. Marami rin ang nagre-react sa pahayag ng gobernador na may kondisyon ang pagpapatawad niya sa aktor at kailangan daw nitong i-promote ang tourism sa Albay. Si Gov. Salceda raw ang mukhang hindi sincere sa pagpapatawad dahil binigyan pa niya ng kondisyon si Xian.
Previously, puro si Xian ang binabanatan dahil hindi marahil alam ng mga tao kung ano talaga ang totoong nangyari. Pero dahil sobra ang mga naging pahayag ng Albay governor, napunta na ang simpatiya ng tao sa aktor. Ano kaya ang reaksyon ng gobernador sa mga namba-bash sa kanya sa social media?
Hindi rin nagustuhan ng mga tao na idinamay ni Gov. Salceda ang magulang ni Xian at inakusahan niya ito na hindi maganda ang pagpapalaki sa aktor. Sana raw ay hindi na lang nagpuputak na parang manok itong si Gov. Salceda, ‘yan tuloy, siya na ang hinuhusgahan ngayon ng publiko.
May isa pang dapat klaruhin ang kampo ni Gov. Salceda at ng kanyang chief of staff. Ito ay tungkol sa talent fee ni Xian sa naturang event. Lumalabas kasi na hindi talaga ganu’n kalaki ang ibinayad nila sa aktor.
La Boka
by Leo Bukas