INTERESTING ang role ni Albert Martinez bilang Professor T (Theodore Montemayor) sa epic seryeng La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pinag-aaralan daw niya ang tungkol sa mga bampira.
“Yung buong buhay niya (Professor T), itinuon niya sa pag-aaral tungkol sa bampira, how to deal with them, probably cure them. Yon ang mundong iniikutan niya,” kuwento ni Albert.
Kung kakampi ba siya o hindi sa La Luna Sangre ay ayaw munag i-reveal ng aktor
“Malalaman n’yo rin in the future. Very mysterious yung character ko. Hindi mo alam kung black or white siya. Kaya rin ako nagka-interest sa character ko kasi ganun nga siya.”
Hindi pa raw siya nakagawa ng ganu’ng karakter sa entire career niya as an actor kaya medyo nahirapan siya.
Bukod nga pala sa pagpasok ni Albert sa La Luna Sangre, may nagawa na rin siyang isa pang teleserye na ipapalabas naman sa 2018.
“Awa ng Diyos hindi nama ako nawawalan ng trabaho. Mabait ang ABS-CBN sa akin. Lagi nila akong kinukuha.”
Huling napanood si Albert sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
La Boka
by Leo Bukas