SA PANANAW ni Albert Martinez ay dapat hindi na sabay ipalabas ang indie films at mainstream movies sa Metro Manila Film Festival.
“Well, let’s just be realistic about it, ako kasi dinaanan ko na rin yang dilemma na yan. And it came to a point na tinanggap ko na yung, ‘Ano ba talaga ang main purpose ng Metro Manila Film Festival?” pahayag niya sa amin.
Patuloy pa ng aktor, “So, naging tradisyon sa MMFF is an entertainment event every December. Siyempre, ang kinukuha nila o ang priority nila is what entertains the public for December. Tinanggap ko na yon, na ganu’n na talaga sila.
“Opinion ko lang ito, ha, pero dapat hiwalay na talaga ang pagpapalabas ng indie films sa MMFF. Kasi tradisyon na ng MMFF yan, eh. Ibigay na natin sa kanila yon.”
Sabi pa ng actor, mas magiging okey daw kung magkakaroon talaga ng masasabing pinakamalaking indie film festival na ala-Sundance Film Fest ang dating.
“Yung iba kasing indie film festival pockets sila, eh, (o maliitan lang). Kailangan natin ng isang malaki. Marami tayong indie film festival pero puro pocket film festival.
“Kumbaga, convergence dapat. Ito na yung ultimate indie film festival. Para hindi mixed ang crowd,” katwiran pa ng aktor.
Dagdag pa niya, “Ang December, ang crowd dito mga bata, eh, yung gustong mag-enjoy. Kaya kahit pilitin mo silang manood kahit isang pelikulang makabuluhan, hindi sila manonood. So, what’s the point, di ba?”
La Boka
by Leo Bukas