AFTER A YEAR, muli nating mapapanood si Piolo Pascual in his newest series, Noah. Malaking adjustment ang ginawa rito ng binata, ‘yung concept and character makikita mo talaga ang difference sa istorya.
“Masaya ako, after “Lovers In Paris” and “Love Me Again” ngayon lang uli ako gagawa, because I’d rather do something na alam kong worthwhile, hindi dahil gusto mo ng exposure. Nasa point ako ng buhay ko na gusto ko ring mag-enjoy sa ginagawa ko. Hindi ko papagurin ang sarili ko just because you want to stay visible. Wala naman akong issues regarding exposure. Napakalaki naman ng industriya natin para magmaramot tayo ng oras para sa ibang tao.”
For the first time, Piolo will be playing the role of Mikael, a police who will lose his son (Zaijian Jaranilla) the child wonder who is popularly known as Santino. “They ask me if I’m willing to do a father role. This is something… kahit ako minsan, nabo-bored na rin sa paulit-ulit na love story so, I guess, I have to grow as an actor in terms of character. Hindi na naman ako bata, ayaw kong piliting magmukhang bata, kailangan ko na ring mag-grow. Being matinee idol, parang you wanna protect that image…. Since this is a soap opera na it will last for a few months na sensitive topic, ‘yun. Ang sa akin, being an actor I think it’s my responsibility to do different roles.
“We have to undergo some training, survival training. It’s challenging in the sense, ibang klase siya, it’s not the typical soap opera na batuhan ng linya. It has all the element of a good story from drama to comedy, fantasy and action so, punung-puno siya. When this soap was first presented, right away I got interested because I know it’s something new so, this is all where the excitement is coming from.”
How do you protect your self from a competition? “I believe that it’s important to compete with yourself than with anybody else. I think it’s healthy na ang pinoprotektahan mo, ang sarili mo because you will never gain your success in other people’s success. Sa akin, eversince I started out in this business, ang kumpetisyon ko ang sarili ko, hindi ang ibang tao.”
Bakit nga pala hindi napagkikita si Papa Piolo sa mga fashion show ng Bench? “Kasama ako sa fashion show this August. I’m still the endorser pero hindi ako kasama sa underwear fashion show. Eversince naman hindi ako sumasali du’n so, ‘yun,” say niya. Nilinaw rin ng actor-producer na walang kinalaman ang kanyang religion kung bakit never siyang nag-fashion show na naka-underwear. “It’s my personal choice,” matipid niyang sabi.
Iniintriga rin si Piolo kung bakit hindi niya sinuportahan si KC Concepcion sa nakaraang premiere night ng I’ll Be There with Gabby Concepcion. Ipinaliwanag ng actor na may shooting siya that day. Madalas naman daw silang magkausap ni KC, kaya naiintindihan nito kung bakit hindi siya nakarating. “Being a professional actor, priority ko ang trabaho. Kung maaga akong matatapos, siguradong makaka-attend ako ng pelikula nila ng Papa niya. I do really want to go kaya lang inumaga na kami sa taping,” paliwanag ng guwapong actor.
SI ALBERT MARTINEZ na pala ang magdidirek ng Rosario na pagbibidahan ni Yul Servo. Ang nasabing project ay unang inalok ni Manny Pangilinan (producer) kay Maryo de los Reyes. “Actually, matagal na ‘yang project. Si Albert ang line-producer and actor dito before. Ipinaubaya ko na siya na ang magdirek, pumayag na akong idirek niya. Kaya lang, pinipilit niyang mag-sign daw ako ng contract na willing akong maging assistant director niya. Paanong mangyayari ‘yun, ako ang kumuha ng writer para isulat ang story ng Rosario, na suppose to be ididirek ko. Sa status ko ngayon not for anything else, bakit ako papayag maging assistant director? Nasa point na nga akong puwede na akong mag-retire as a director,” paglilinaw ni Direk Maryo.
Ang nakaloloka pa, aside sa pagiging line-producer/director, gusto rin ni Albert na maging actor sa sarili niyang pelikula. Magampanan kaya ng magaling na actor ng tama ang lahat ng kanyang responsibilidad? Hindi madali ang maging director lalo na kapag artista ka rin at the same time. Siguradong magsa-suffer ang quality ng isang pelikula. Tuloy, iisipin mong kasuwapangan na yatang maituturing ang ginagawa ngayon ni Albert. Huwag naman sana…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield