COOL NA cool si Albie Casiño. Guwapo naman kasi sa simula’t simula pa lang noong nagpapakilala siya sa showbiz.
‘Yun nga lang at minalas, napasubo siya sa isang relasyon na hindi niya inaasahan na makakadiskaril sa buhay-showbiz niya.
Mula nang magloka-lokahan si Andi Eigenman (na until now ay loka-loka pa rin at hindi matuto-tuto at siya pa rin ang naghahabol kay Jake Ejercito na anak ng dating presidente Joseph Estrada) at ang pangalan niya’y isinabit pa ng aktres, nabulilyaso ang maganda na sanang simula ng career niya.
Sa kampo ng Kapamilya Network, binuboo ang tambalan nina Albie at Kathryn Bernando. Kung hindi siya nasabit sa eskandalo na ang dalagitang buntis ay hinahabol siya’t sinasabing siya ang ama ng batang dinadala niya (na until now, hindi pa rin inaako ng binata); sana walang Daniel Padilla at ang tambalang nila ni Kathyrn.
Pero sabi naman ng binatang ama (siya nga ba talaga ang ama ng anak ni Andi?) marami siyang natutunan.
“What happened in the past is what I am now,” sabi niya.
Mas matured na raw siya. He learned his lesson. Kung ano man ang nangyari, it was a mistake in his life na ayaw na niyang mangyari. Pero may kontradiksyon naman si Albie sa pahayag niya, kung sakaling mauulit ‘yong sa kanila ni Andi, uulitin daw niya.
Madami raw ang nagbago sa kanya. He has moved on. Maging si Andi nagpatuloy na rin ng buhay niya. Tulad niya, tuloy rin ang buhay ni Albie. Kung naudlot man ang pagsikat niya noon, magsisimula siya sa panibagong hamok sa kanya.
Sa kasalukuyan, kabilang siya sa bagong pantaserye ng Kapatid Network, ang Cassadra: Warrior Angel sa direksyon nina Eric Quizon at Argel Joseph.
Kuwento ni Albie, never pa raw niyang nami-meet nang personal ni Jake, ang sinasabing lalaki na namagitan during his relationship with Andie.
“Maybe one day,” sabi lang ng binata.
MULA NANG magbati ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes, tila naging positibo ang aura ng nakababatang kapatid ni Ara.
Time heals, ‘ika nga, kung kaya’t sa kanyang pagkukusa, si Cristine na ang lumapit sa kanyang Ate Hazel para makipag-ayos. Kaya naman si Ara, iniurong na ring ang demanda sa kapatid niya sa mga mapanirang puring mga akusasyon niya rito late last year.
Kaya si Cristine, iba ang tingin sa buhayn gayon. Maliwanag, positibong-positibo at masaya.
Dahil sa pagbabati nila, naging maganda tuloy ang mulig paninimula ng career niya. Walang negativities, ‘ika na. Walang negative energies na bagay lang sa latest offering ng Star Cinema ang Bromance (My Brother’s Romance) na pagtatambalan nila ni Zanjoe Marudo.
Happy movie kasi ang obra ni Wenn Deramas. Aliw ang tema. Masaya, makulay at puno ng katatawanan na trademark ni Wenn sa kanyang mga obra. Bagay kay Cristine ang pelikula now that she’s back on her toes after her lost relationship with with Rayver Cruz at ang matinding awayan nga nila ng kanyang Ate.
MAHIRAP MAGING isang talent manager, kuwento ni Niel de Guia sa amin. Mahirap mag-ayos ng schedules ng mga alaga mo,” sabi niya.
Mabuti na lang, hindi na pasaway ang alaga niya na si Jake Cuenca dahil at the time na sina Jake at Melissa Ricks pa ang magkarelasyon, ini-expect ni Neil na palaging may sabit sa mga schedule ng alaga niya.
Kung hindi late, daming aberya at mga alibi si Jake dahil aminin man ng aktor o hindi, nagiging hindrance ang girlfriend niya sa kanyang career
“May usapan, late siya dumarating. Daming dahilan na alam mo naman na ang girl ang dahilan,” kuwento ni Neil sa amin.
Kaya nga happy siya at loveless si Jake ngayon. In short, naka-focus ang atensyon ng aktor sa kanyang trabaho at showbiz career at walang aberya na nagi-
ging dahilan ay ang girlfriend.
Bukod kay Jake, happy rin si Niel sa bagong alaga niya na si Victor Silayan na isa sa mga Kapatid Network stars na ilulunsad sa bagong show ng istasyon na pagbibidahan ni Eula Caballero na “behave” at walang girlfriend dahil ‘pag nagkataon, Victor might have the same problem as Jake na kapag nai-in love or may girlfriend ay nagiging sablay paminsan-minsan sa kanilang mga career.
Reyted K
By RK VillaCorta