HINDI lingid sa karamihan na may iniindang sakit ang aktor na si Albie Casiño, ang sakit na Dyslexia na nadiskubre noong grade one pa lang ito.
Aniya sa isang panayam sa kanya, “Hirap akong makabasa hanggang sa tumuntong ako sa grade 4. Mahusay ako sa oral recitations, pero pagdating sa pagbabasa, hirap ako.”
Todo-suporta naman ang pamilya ng aktor sa kanya. “Pinaaral ako ng mga magulang ko sa magagandang eskuwelahan at binigyan nila ako ng tutors upang mas matutukan ko ang aking pag-aaral.”
Dugtong pa niya, “Kaya mong labanan ang sakit na Dyslexia. Importante lang na aware ka sa sakit na ito para alam mo kung paano ito labanan at harapin.”
Nalagpasan naman umano ng aktor ang mga hirap na narasanan sa sakit na ito. Pero aminado siya na medyo hirap siya sa pagbabasa at pagme-memorize ng mga linya sa script.
“May mga ibang direktor na hinahayaan akong gumamit ng sarili kong linya, pero may iba rin na istrikto pagdating sa pagde-deliver ng mga linya na sinulat nila, aniya.
“Kailangan ko lang na mas paghusayin ang aking ginagawa, kasi syempre, gusto ko ‘tong ginagawa ko, ito ang passion ko,” pahayag pa ni Albie.
Samantala, ang modelong kasintahan ng aktor na si Michelle Arceo ay nagbigay kamakailan lamang ng libro sa nobyo na isang nobela na may pamagat na “Diary of an Oxygen Thief” na labis na ikinasorpresa ng aktor nang matapos itong basahin.
Mariveles Councilor Jaja Castañeda, papasukin na rin ang pag-aartista
HINDI lang pampulitika ang beauty ni Councilor Jaja Castañeda ng Mariveles, Bataan. Ngayon kasi, papasukin na rin niya ang pag-arte at pagkanta. Kasi bata pa lang daw siya, hilig na niya ang umarte lalo na ang pagkanta.
Paborito ni Jaja ang Broadway diva’s na sina Lea Salonga at Rachel Anne Go. Kung may pagkakataon, gusto sana niyang makasama ang kanyang mga iniidolo. Pagdating naman sa mga actor, gusto niyang makasama sina Joseph Marco at Ian Veneracion na parehas niyang paborito.
Nag-under go na noon ng acting workshop ng Star Magic si Jaja sa pamamahala nina Beevrly Vergel at Pinky Marquez. Sa ngayon uma-attend siya ng acting workshop under Ogie Diaz kapag may free time siya.
Pangarap ni Jaja na makilala at makapasok sa showbiz someday. Hindi man daw siya maging sikat tulad ng kanyang mga idolo, at least sinubukan daw niya ang kanyang pangarap. Kasi para sa batang politician ayaw raw niyang magsisi sa pagtanda niya ay hindi man lang daw niya nai-try ang gusto niyang gawin para sa kanyang pangarap.
Si Jaja ay number one councilor ng Mariveles, nagtapos ng kursong Bachelors of Science in Public Health sa University of the Philippines – Manila. Ang pagiging batang pulitiko niya sa edad na 21 ay hindi na bago para sa kanya, dahil namana niya ito sa kanyang butihin ina na si Jocelyn Castaneda na matagal na naglingkod at may magandang record sa kanilang bayan. ‘Yun nah!