HAYAG NA ang ang ka-sweet-an ni Albie Casiño sa isang girl na ayaw muna naming pangalanan dahil hindi pa namin nakakausap nang personal ang Kapatid Star. Makikita sa kanyang Instagram account na kase-celebrate lang nila ng kanilang 1st anniversary last May 12, 2013.
Bahagi pa ng palitan nila ng mensahe ang sulat na may nakasaad na salitang, “Happy anniversary, we made it.”
Kaya pala deadma na si Albie kapag nababanggit ang pangalan ni Andi Eigennman dahil may special someone na pala itong nagpapatibok sa kanyang pusong nangulila. Lalim!
PORMAL NANG iniurong ni Nadia Montenegro ang dalawa sa 26 na kasong isinampa nito sa talent manager na si Annabelle Rama. Ito ay ginawa ni Nadia noong Martes, June 11, kung saan ang nasabing 26 cases ay nakakalat sa limang korte sa Metro Manila.
Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com last June 11, nag-execute na raw si Nadia ng ‘affidavit of desistance’ sa mga kasong ‘grave coercion’ at ‘grave oral defamation’ na kanyang isinampa laban kay Annabelle sa korte sa San Juan City.
Ang affidavit of desistance ay isinusumite ng isang nagrereklamo sa korte kung nais na nitong huwag nang ipursige ang kaso laban sa akusado.
Kuwento pa ni Nadia, “I’m very happy, answered prayers at makakapag-move on na sa wakas. All in God’s perfect time talaga.”
Matatandaang nitong June 5 ay nagkabati na sina Nadia at Annabelle kung saan inabot nang halos dalawang taon ang kanilang naging iringan.
Ayon naman sa abogado ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham, mag-e-execute pa ang kanyang kliyente ng maraming ‘affidavits of desistance’ sa apat pang korte sa Quezon City, Pasig, Makati at Caloocan.
Paano nga ba sila nagkaayos ni Annabelle? Kuwento ni Nadia, “Nothing was planned. I guess talagang we prayed so hard for it. I was going through my own battles, she was going through her own battles, her sadness because of the loss.”
Dagdag pa niya, “For some weird reason, I told the kids on the way here (San Juan court), sabi ko, ‘Smile at Tita Annabelle,’ and then she smiled back. And then ayon, ‘I told them to kiss her, give her a kiss,’ and they all stood up, the three of them, to kiss her, and she started talking to them as if nothing happened, and so I said, ‘Ah, this is the right time.”
“So I approached her and gave her a kiss also, and we ended up hugging each other and crying. So I knew it was okay na.”
MARAMI ANG nakapansin sa bagong hair color ng WowoWillie co-host na si Arci Muñoz. Hindi lang kasi iisa ang kulay nito kundi marami. Bakit nga ba ganyan kulay ng hair niya? “Eh, kasi matagal ko nang pangarap ‘to. Pangarap ko talagang magpakulay ng iba’t ibang kulay ng buhok.”
Dagdag pa niya, “Bata pa ako, ganyan na ako, ‘di pa ako artrista. Na-try ko na lahat ng kulay ng buhok. Ngayon lang ako nag-combine ng iba’t ibang colors. Ngayon lang ako nag-parrot look… ay peacock naman huwag naman parrot.”
Maari kaya niya itong gawing negosyo balang araw? “Baka ‘pag hindi na ako artista, siguro ganu’n na lang ang gagawin ko, magmi-make up, magdo- drawing, magkukulay ng buhok. Magkukulot.”
Marami naman ang nagsasabing parang ginagaya raw niya ang hairstyle ng sikat na singer na si Katy Perry. “Talaga? Hindi, malayo eh, malayo, kanya-kanya namang trip ‘yan eh. Kung pareho kaming trip ni Katy, bakit siya lang ba puwedeng magkulay ng buhok? ‘Di ba ginagaya lang ako ni Katy. Ako ang ginagaya niya.”
May bagong show si Arci sa TV5 kasama Derek Ramsay, ang pagpapakulay kaya ng kanyang hair ay bahagi ng bagong show niya? Sa bagong show ba nya gagamitin itong peacock look niya? “’Yun nga eh, ‘di ko ‘to puwedeng gamitin sa new show ko, kasi lawyer ang role ko du’n. So mag-wi-wig ako du’n, naka-wigalow. Bilang ayoko siyang ipagalaw kasi kapapakulay ko lang.”
Sa huli, sinabi ni Arci na bata pa raw talaga siya ay hilig na niya ang magpakulay ng buhok. “Matagal ko na ‘tong ginagawa eh, bilang nagkaroon ako ng pagkakataon dahil nagho-host ako sa WowoWillie wala namang required color ng buhok dahil hosting at tsaka ano ako medyo weirdo, gusto ko talaga iba ako eh. Gusto ko ‘yung kakaiba ako. Gusto ko wala akong kapareho. Sira na nga itong buhok ko eh, double triple dead na siya.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato