LUMABAS SA Ang Latest ng TV5 last Wednesday ang panayam nila kay Albie Casiño. Isang nakatutuwang Albie ang aming napanood dahil hindi siya umiiwas sa mga intriga at nag-sorry pa siya sa kanyang haters, huh!
Say ng guwapong si Albie, “Lahat ng haters na galit sakin, sorry.”
Ayon pa kay Albie, back to school daw muna siya ngayon. “Nag aaral na po ako ulit. Export Management po ang course ko sa College of St. Benilde.”
Bakit kaya ito ang napili niyang course? Tugon nito, “Yan po kasi ang ginagawa ng daddy ko eh, so madali lang sa akin.”
Sa ngayon daw ay sinisikap nitong pagsabayin at gawing balance ang kanyang panahon sa pag-aaral at pag-aartista.
Sa ngayon, kasalukuyang gumagawa si Albie ng pelikula sa Regal Films. “Ahm… sa ngayon po ginagawa ko po ‘yung Shake, Rattle and Roll 14, ‘yun lang po.”
Kasali si Albie sa ‘Unwanted’ episode ng Shake, Rattle, and Roll 14 na pinagbibidahan ni Vhong Navarro at Lovi Poe.
Pagdating naman sa mga indie films, hindi raw muna tatanggap si Albie dahil, “As of now wala pa po kasi parang ayokong masyadong maraming ginagawa kasi nag-aaral po ako, parang ngayon, ‘Shake’ lang muna.”
So far, wala pa raw siyang bagong TV project sa kanyang home network.
Okay na kaya sila ni Andi? Nag-smile muna si Albie sabay sabing, “Ah… no comment.”
ISANG EKSKLUSIBO ngunit maiksing panayam ang inilabas ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5 noong Miyerkules, October 3, tungkol sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, na parehong tatakbo sa 2013 midterm elections, si Manny bilang re-eleksiyonista sa pagka-congressman at si Jinkee, bilang kandidato sa pagka-bise gobernador ng Sarangani Province.
Ayon pa sa ulat ng News5, inamin ni Manny Pacquiao na puspusang dasal ang kanyang pinagdaanan bago tuluyang mag-desisyon sa bagong mundong tatahakin ng asawa.
Kuwento ni Manny, “Inisip ko nang matagal, nagdasal ako nang taimtim, paglabas ko ng kuwarto, nagsigawan ‘yung mga kasama ni Jinkee na vice gov, vice gov.”
Hindi rin naman daw dapat husgahan agad kung ano ang kayang gawin ng kanyang asawa dahil sabay raw silang nag-aral noon ng crash course in politics.
Sabi naman ni Jinkee, “Pero kasi, ‘pag sa pulitika, ‘di naman patalinuhan. Ang importante is matulungan natin ang kababayan natin.”
Sa ulat naman ng Interaksyon, ang news portal ng TV5, sinang-ayunan ni Manny ang sinabing ito ng kanyang asawa. Aniya, “Maraming matatalino, ang problema, napapaikot nila ‘yung pera ng gobyerno. Sa sobrang talino, pinapaikot y’ung pera ng gob-yerno. ‘Di napupunta sa mga tao.”
Pangako naman ni Jinkee sakaling mahalal na vice-governor, magsisilbi siya nang tapat sa kanyang mga kababayan.
Lahad niya, “I will serve them with love, with compassion.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato