VERY THANKFUL si Albie Casino, leading man ni Christine Bermas sa pelikulang Moonlight Butterfly na napapanood sa Vivamax sa magandang takbo ngayon ng kanyang showbiz career. Inamin din ng hunk actor sa digital mediacon para sa kanilang pelikula na takot siyang malaos ulit bilang artista.
“You know, ang hirap talaga nung pandemic for all of us. Simula 2019, 2020, 2021 talagang ang hirap ng work. Personally speaking, para po sa akin hirap na hirap po ako sa tatlong taon na yon. But thankfully, di ba, sobrang dami ng pasasalamat ko dahil pagkalabas ko pa lang ng PBB ‘eto na kaagad yung sinasabi ko na, ‘This is it, ito na yung second chance ko.’
“Kasi nung nagsimula ako sa showbiz sobrang bata ko pa, eh. And alam mo yon, hindi ko pa talaga alam kung paano yung takbo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa industriyang ito. And I’m super thankful sa nangyayari,” pahayag ni Albie.
Patuloy pa ng binata, “Kaya sinusubukan kong i-level-up pa yung work ethic ko. Like this week I’m working everyday, doing It’s Showtime and some other stuff on the side. Kung dati nung bago ako hindi ko talaga gagawin yung mga ganun kasi parang tinatamad ako, but now, di ba, talagang strike while the iron is hot bago ako malaos ulit.”
Unforgettable at napakahirap para kay Albie ang role niya sa pelikulang Moonlight Butterfly dahil first time niyang sumabak sa love scene at magsuot ng plaster para protektahan ang kanyang private part.
“Yung pinakamahirap siguro ay yung love scene namin ni Christine bilang conservative akong lalaki so nahirapan ako sa mga ganung bagay. First tme ko rin kasing magkaroon ng love scene tapos ganun pa ka-intense.
“Yung plaster, pinakamahirap din talaga yon especially taking it off, putting on, first time ko kasing kailangang magsuot ng plaster. Do’n talaga ako nahirapan. Masakit siyang tanggalin,” kuwento ng aktor na medyo napapangiti.
Sa tanong kung hindi ba siya na-turn on sa mga intimate scenes nila ni Christine at nakakaramdan ng libog, aniya, normal lang daw na makaramdam nito pero dapat on that particular scene lang.
Katwiran ni Albie, “Bilang artista, feeling ko kung intimate yung scene kailangan mo yung libog, eh, like it’s part of it. Hindi naman kami nagkukunyari dito while we were doing scenes, we put ourselves in the situation and we really… talagang ginagawa namin yan so I use it di ba, ginagamit ko na lang siguro yung libog sa eksena.”
Sa MB ay ginagampanan ni Albie ang karakter ni Roy na pinag-aaral ng kanyang girlfriend (Christine) at pino-provide ang iba pang mga pangangailangang pinansyal. Welcome ba sa kanya ang ganitong set-up if ever?
“Sa ganun ka-extreme, feeling ko hindi ko kaya. Pero I’m just being honest, like sometimes when I go out girls offer to pay for my drinks. ‘You wanna pay for my stuff, go dud. You wanna pay for my food, sure! okey lang.’ Pero kung ang ibibigay ay parang pangkabuhayan showcase na sa tingin ko hindi ko kayang tanggapin,” rason ni Albie.
Eh, ano ba ang ideal girl para sa kanya – yung dominant ba or aggressive?
“Siguro may middle ground yon, eh. Ayoko naman ng super-super dominant, di ba? Ano ka nanay ko, uutus-utusan mo ako lagi? Then ayoko din naman yung parang tuta naman na kahit anong sabihin mo gagawin niya lahat.
“I want a partner na who has her own head on her shoulder and at the same time marunong siyang makinig. This is my favorite term, eh, I don’t really want to be with an independent woman, I want to be with an interdependent woman. Kasi relationship yan, eh, kailangan nagmi-meet tayo half way, kailangan may mga compromises,” paliwanag ng hunk actor.