KINAILANGAN nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng immersion para sa kanilang role sa Hello, Love, Goodbye bilang mga OFW kaya naging bartender si Alden at waitress naman si Kathryn ng isang gabi sa isang bar sa Hong Kong.
But prior to that, habang nasa Pinas ay nag-take din sila ng short lessons.
“Prior to going to Hongkong, si Alden, nag-bartending lesson siya, kami naman, Cantonese lesson po, ‘yung mga basic.
“Tapos pagpunta du’n (HK), sa first night po namin, pinapasok talaga nila kami as waitress and as bartender sa isang bar.
“So, natulungan kami, para lang sabi ni Direk (Cathy Garcia-Mollina) bago kami mag-shoot, medyo ma-warm-up kami sa galawan, maging natural lahat. So, ‘yun, na-experience po namin ‘yun for a night,” kwento ni Kathryn.
Plano rin sana ni Direk Cathy na ipasok talaga si Kathryn sa isang employer sa HK bilang DH, pero hindi ito natuloy dahil hindi agad naayos ang sa schedule ng aktres at kakapusin na sila sa oras.
Ang ginawa na lang ng production team, habang nagsusyuting ay dumadaan pa rin sa parang immersion si Kathryn.
“Kung isang buwan kami do’n, isang buwan na immersion ‘yun sa akin, emotionally and physically, kaya ang daming learnings.”
Mas na-appreciate din daw niya ngayon ang mga OFWs at nakita niya kung gaano kahirap ang ginagawa sa ibang bansa.
“Parang after the movie, ito pong pelikula na ito, binuo ako. Kasi mas na-open ako sa mga bagay na nangyayari,” sabi pa ni Kath.
Showing na ang Hello, Love, Goodbye sa July 31.
La Boka
by Leo Bukas