Labis-labis ang kasiyahan ng AlDub Nation sa sobrang sweetness nina Alden Richard at Maine Mendoza sa kalyeserye ng “Eat Bulaga!”.
Mukhang totohanan na nga raw ang nangyayari sa dalawa at ‘di na scripted. Katulad na lang ng harutan at nang mag-kiss ang mga ito na sobrang makatotohanan na.
At habang napapalapit nga raw ang puso ng dalawa ay sunud-sunod na blessings ang dumarating sa mga ito. Bukod sa mga TV commercials at endorsements, magbibida pa ang dalawa sa isang drama episode ng Lenten Presentation ng “Eat Bulaga!”.
Dagdag pa rito ang pagwawagi ni Maine Mendoza bilang 2016 Nickelodeon Kids’ Favorite Pinoy Personality, kung saan tinalo nito sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid.
Habang si Alden Richards naman ay sunud-sunod ang out of the country show na ang latest ay ang kanyang successful Dubai show, concerts, at sa pagkakaroon ng 5th Platinum award ng kanyang 2nd album na “Wish I May” under GMA Records.
James Teng, sunud-sunod ang project sa Kapuso Network
ISA SA masasabi naming masuwerte among Starstruck Batch 6 Avenger ay si James Teng, ang look a like ni John Estrada na ngayon ay sunud-sunod ang guestings sa mga shows ng GMA 7.
Bukod sa guestings nito, regular din itong napanonood sa “Ismol Family” bilang ka-love triangle ng tambalang Bianca Umali at Miguel Tan Felix or BiGuel.
Masaya nga ang guwapitong young actor dahil kahit hindi siya nanalo ay binigyan siya ng Kapuso Network ng break na mapasama sa “Ismol Family” at maging ka love triangle nina Bianca at Miguel.
At kahit nga sunud-sunod na ang proyektong natatanggap nito ay continuous pa rin ang workshops nito sa acting, dancing, at singing para mas mapaghusay pa ang kanyang talento.
Jon Lucas, kahit ‘di nanalo, happy na sa nomination ng Star Awards fo Movies
KAHIT HINDI raw nagwagi sa katatapos na 32nd PMPC Star Awards For Movies 2016, okey lang sa Kapamilya Actor na si Jon Lucas.
Tsika nga ni Jon nang makausap namin kamakailan, “Masaya na ako, Tito John, kahit hindi ako nanalo. Para sa akin kasi, ‘yung na-nominate lang ako, malaking bagay na. Tsaka kaibigan ko naman ‘yung nanalo (Marlo Mortel). Kahit sino ‘yung manalo sa amin, masaya kami kasi magkakaibigan kami nina Marlo at Jerome.
“Gagalingan ko na lang ang trabaho ko. Who knows, baka manominate ulit ako? At this time, palarin na akong manalo.”
Sa ngayon, regular na napanonood si Jon sa “It’s Showtime” bilang isa sa miyembro ng Hashtag at sa teleseryeng “We Will Survive”. Bukod pa sa mga mall at provincial shows nito, kasama ang kanyang grupo.
John’s Point
by John Fontanilla