HINDI NA nga talaga maawat ang pag-imbulog ng career ng phenomenal at hottest na tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza dahil pang-international na ang mga ito.
Balita kasing nakatakdang interbyuhin ngayong linggo ng BBC ang dalawa. Curious daw kasi ang pamunuan ng BBC sa phenomenal na kasikatan ng AlDub lalo na ng ma-break nito ang highest na naitalang tweets sa buong mundo, kung saan nalagpasan nila ang 35 million plus tweets nang makuha ng tambalan nila kamakailan ang tumataginting na 42 million plus tweets.
Mabuti na lang daw at nataong may APEC sa bansa, kung saan may representative ang BBC. Kaya naman segue na raw ito at iinterbyuhin sina Alden at Maine na mapanonood sa BBC.
Jonalyn Viray, Journey Into My Heart sa Music Museum sa Nov. 27 na
PAGKATAPOS NG sunud-sunod na shows abroad ng Soul Princess na si Jonalyn Viray, magkakaroon ito ng malaking concert sa Nov. 27, 8 p.m. sa Music Museum entitled “Journey Into My Heart” na hatid ng Creative Media Entertainment, musical direction by Soc Mina and directed by Rico Gutierrez.
Magiging espesyal na panauhin nito ang isa sa maituturing na ring icon sa mundo ng musika na si Ms. Cooky Chua at meron pa rin daw itong mga espesyal na panauhin para sa kanyang concert.
Bukod sa nasabing konsiyerto ng Soul Princess, labas na rin via iTunes at Spotify ang kanyang bagong song na “Heart of Glass”.
John’s Point
by John Fontanilla