ALL ALONG, may katwiran ang recent commentary ng kaibigan-kumpareng si Jobert Sucaldito sa kanyang DZMM radio program tungkol sa phenomenal success ng AlDub: malayung-malayo pa ito sa tinamasang kasikatan ni Nora Aunor.
To begin with, beyond comparison ang dalawang phenomena dahil sa magkaibang panahon isinilang ang mga ito. Imagine if social media was in vogue during the 60s, the tandem of Guy and Pip would have been more than a kalyeserye, but a serye of national scale.
The dyed-in-the-wool AlDub fans should not take it against Jobert. Pana-panahon lang ‘yan like all electronic gadgets tulad ng fax machine, pager, Nextel unit, etc. na nalaos and had been relegated to oblivion. Wala rin itong iniwan sa Friendster, the precursor of Facebook, na bahagi na rin ng nakaraan.
Maaaring ang violent reactions ng mga AlDub fans stem from a generation-based assertion, bolstered by their sheer ignorance kung paanong naging makasaysayan ang itinalang tagumpay ni Nora Aunor. Na kung tutuusin ay partida pa when modern technology hadn’t caught up with us.
Arguably, ang kasikatan nina Alden Richards at Yaya Dub has caught the nation by storm. Here’s hoping na sana’y ma-sustain nila ang fame and glory nilang ito nang hindi nananawa ang kanilang mga manonood sa mga lagi na’y ibinibiting tagpo when their love story would—after all—culminate in an exciting face-to-face, shoulder-to-shoulder, kiss-sabay-hug encounter.
Minus the chorva, of course.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III