At least, si Alden Richards hindi nagpapaka-Kathryn Bernardo or Daniel Padilla na itinatanggi na ang pagsuporta nila kay Mar Roxas sa darating na May 2016 eleksyon ay bayad. Yes “People of the Philippines”, they are doing the personal endorsement for free. In short gratis. Sa diretsahang salita, ang paniwala nila ay walang katapat na peso sign. Ito’y ayon sa kanila at sa mga ipinalalabas ng mga paid hack nila.
Diumano si Daniel, may P100 million at si Kathryn naman was paid ng P20 million na ang balita ay itiniwalag na or tumiwalag na sa INC, para matanggap lang ang “work for love” kay Mar.
Si Alden, idine-deny namang may eight digits offer sa kanya ang isang pulitiko para ikampanya ito. Pero diretsahang pahayag ng guwapong star ng GMA Kapuso Network ay wala raw. Wala pa raw.
Sabi ni Alden, “Ako po, personally, I don’t wanna endorse anyone, kasi iba naman po itong showbiz, I just wanna be simple.” Na kung babasahin mong maigi, sina KathNiel lang naman ang agresibo sa pag-iendorso kay Mar na sabi nga ng dalawang hunghang, nabasa na raw nila ang mga batas na inihain ng manok nila at tiwala sila rito.
Pakiwari ko nga, patama ito sa mga artistang sugapa na puwedeng ipagpalit sa milyones ang kinabukasan ng mga kababayan nila at mga fans.
Pero diretso si Alden tungkol sa mga endorsement offers sa kanya. “May mga offers na po before for me to endorse a political party, or a political person, pero I took a stand point na kung puwede ay dito na lang tayo mag-concentrate sa showbiz. Not in the other side of the spectrum.”
In short, kuntento na si Alden sa takbo ng kanyang showbiz career, na alam naman niya ay kikitain niya ito sa pagdating ng “tamang panahon” kung magtitiyaga lang siya tulad halimbawa sa MMFF 2015 entry nila ni Bosing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na “My Bebe Love”, kung saan for the first time ay masusubukan ang box-office appeal nila ni Maine Mendoza as AlDub love team. Balita namin, Alden was paid sa presyo he deserves.
Reyted K
By RK VillaCorta